Marian, parating pa lang ang second baby pero humihirit na ulit kay Lord; Zia, sa Tokyo Disneyland magbi-birthday

Ni: Nora V. Calderon

SA ganda at naiibang aura ngayon ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, hinuhulaang baby girl muli ang isisilang niya, kasunod ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

Humarap muli for another endorsement sa Kultura si Marian, ni-launch niya ang Kultura x Marian Rivera Timeless Pearls, last Thursday afternoon.

Ipinakita muna ni Marian sa mga kaharap niya ang collection ng mga pearls na siya mismo ang nag-design, like earrings, necklaces, even iyong panglagay sa buhok.

Mahilig ba siya talaga sa pearls?

“I think, hindi lamang ako, but nature na ng mga babae na mahilig sa alahas,” sagot ni Marian.

“Natutuwa akong mag-design, dahil binigyan ako ng chance ng Kultura. Thankful ako  dahil nagugustuhan nila ang mga designs ko.”

dantes family

Mukhang mamahalin ang mga designs ni Marian, but when asked ng prices very affordable naman pala.  Available na ang mga designs ni Yan sa mga outlets ng Kultura sa mga malls.

Binati ng mga kausap niya si Marian dahil malaki na ang baby bump niya at lagi siyang masaya.   “Siguro dahil may Zia na ako who will turn 3 na sa November 23, at may isa pang darating, at sana isa pa, at isa pa.  Gusto namin ni Dong three or four children. 

“Parating pa lamang iyong pangalawa, humihirit na ako ulit kay Lord.  Lahat naman ng hiniling ko sa Kanya, ibinibigay Niya, kaya masayang-masaya ako.”

Alam na nilang mag-asawa ang gender ng baby nila, pero ayaw pa ring sabihin ni Marian kung boy or girl.     Sa birthday daw ni Zia nila iri-reveal ang gender ng baby.

“Tinanong namin si Zia kung gusto ba niyang mag-celebrate ng birthday niya with her classmates and friends pero ayaw niya. 

Sabi niya: “No Mama, I want to go to Disneyland.” 

First time makapupunta si Zia sa Tokyo Disneyland, gusto raw niyang makakita ng mascots.  Hindi nga lamang kami pwedeng magtagal dahil may taping ang Papa niya.

Huwag ninyong kalimutang panoori ngayong November 19, ang pilot telecast ng action-drama series na Cain at Abel nina Dong at Dennis Trillo after 24 Oras.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s