Alden, patuloy na bina-bash at sinisisi pa ng mga fans dahil sa palaging pagkikita nina Maine at Arjo

Ni: Rose Garcia

GRABE ‘yung hate, pamba-bash, name calling na natanggap namin at gayundin ng Pambansang Bae na si Alden Richards dahil sa tanong namin sa Kapuso actor at sa naging sagot niya na ipinost namin sa aming YouTube Channel.

Though, hindi na bago sa amin kung paano mag-react ang iba sa mga fans ng AlDub. Hindi namin lalahatin dahil naniniwala kaming mas marami pa rin talaga ang totoong fan at nakakaintindi, lalo na sa mga ginagawa ng kanilang idolo, pero may mga ilan talaga na sad to say, parang walang pinag-aralan.

alden-maine

Okay, aakuin na namin na baka nga may mali sa terminong ginamit namin nang tanungin namin si Alden kung ano ang nararamdaman nito sa patuloy na pamba-bash ng iba sa kanya, kahit na ang masasabing may isyu dahil sa constant sightings between Maine Mendoza at Arjo Atayde, e, siya pa rin ang sinisisi at bina-bash ng iba.

We stand corrected sa paggamit ng salitang “faithful” dahil sa tanong namin na kung tutuusin, parang siya (Alden) ang faithful pa rin naman sa AlDub dahil si Maine, nali-link na rin sa iba.

Ang punto namin dito, hindi para siraan o ibaba si Maine dahil ever since, isa kami sa nakakaintindi sa kung ano man ang pinagdadaanan nito o mga gustong gawin na karapatan naman ng tao na gawin at i-enjoy.

‘Yun nga lang, sarado ang isipan ng iba instead na maunawaan sana na kung may ibang nakakasama si Maine at si Alden ay may ibang nagiging kapareha, hindi ito dahilan para i-bash o i-name-calling isa man sa kanila.

arjo a1

Actually, ang ganda ng sagot ni Alden kunsaan sabi nga niya, parang fault palagi ng lalaki yun at naiintindihan niya at hindi niya aalisin sa mga ito.

Tanggap na raw niya ang mga detractors at sa tagal niyang nakatatanggap ng hate comments, hindi talaga siya sumasagot at hindi siya sasagot. Binigyang-diin pa niya na mas okay sila ni Maine. And yet, lumalabas na in bad taste pa rin sa iba ang mga naging pahayag ni Alden.

At yun nga, siguro nga ay dapat hindi faithful ang ginamit namin sa pagtatanong dahil on-screen loveteam lang naman ang dalawa at parehong may mga personal na buhay.

They work their ass off and give entertainment to everyone, pero obviously, hindi pa ito sapat para sa iba.

Sa totoo lang, kawawa pareho sina Maine at Alden dahil kahit anong gawin, galaw nila, dapat yung gusto ng ilan sa mga fans (daw!).

Kaya saludo kami sa mga tagahanga nila na talagang alam mong fan dahil nandiyan para suportahan ang ginagawa ng mga ito at masaya sa kung ano ang kaligayahan nila.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s