Sanya, pinagpaplanuhan na ligawan ni Renz at gustong makilala nang husto

Ni:  Ruel Mendoza

HINDI namin alam kung seryoso si Renz Fernandez sa pagsabi na type na type niya ang Cain at Abel co-star niya na si Sanya Lopez.

Ayon pa kay Renz, gandang-ganda siya kay Sanya at naseseksihan siya rito. Type daw niya ang tulad ng Kapuso actress na simple lang ang dating pero malakas ang sex appeal.

“Type ko ang mga simple lang ang dating. Tulad ni Sanya, iba ang ganda niya, eh,” ngiti pa ni Renz.

Renz Fernandez (1)

Sa tanong namin kung type ba niyang ligawan si Sanya, mabilis sumagot ng ‘Oo’ si Renz.

“Bakit naman hindi? Single naman ako. Matagal na akong walang girlfriend. Sa pagkakaalam ko rin ay wala ring boyfriend si Sanya… Puwede naman. Tingnan natin. Gusto ko pa siyang makilala ng husto,” diin ni Renz.

Nakakapagtaka na sa guwapo ni Renz ay matagal na itong walang girlfriend. ‘Yung last relationship daw niya sa isang non-showbiz girl ay tumagal lang ng 7 months.

“Bago ‘yon, yung huli ko pang relationship was kay Maxene Magalona. Gano’n ako katagal na walang nakarelasyon.

“Ito ngang huli, seven months lang kami. Hindi nag-work out. Feeling ko inaayawan ako ng mga babae, eh. Ewan ko kung bakit,” sabay tawa pa Renz na gumaganap na isang pulis na tumutugis kay Dennis Trillo sa Cain at Abel ng GMA-7 na magsisimula na sa Lunes, November 19.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s