Marian, ido-donate sa ‘Smile Train Philippines’ ang bahagi ng kikitain sa kanyang pearls collection

Ni:  Rohn Romulo

LAST year, ni-launch si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes bilang first celebrity endorser ng Kultura Filipino.

Sobra nga itong ikinatuwa ni Marian siya ang napiling mag-endorse ng mga gawang Pinoy na bagay na bagay sa timeless beauty ni Marian ang kanilang collaboration sa Kultura Uniquely Filipino x Marian Rivera, na kung saan gustung-gusto niya ang mga designs ng embroidered barong dress na nagamit niya sa showbiz and political events.

At dahil nga effective na endorser si Marian at talagang tumaas ang sales ng Kultura Filipino ay muli na namang nag-launch ng bago nilang collaboration para sa Timeless Pearls collection na sa abot kayang halaga.

marian r

Happy si Marian na ipinakita ang mga jewelry na mula sa kanyang disenyo, pati ang mga iba’t-ibang kulay ng mga bato na kasama ng mga perlas na ipinagmamalaking galing sa kailaliman ng ating karagatan at proudly gawang Pinoy talaga.

Inamin si Marian na may maliit siyang percentage na makukuha sa bawat alahas na mabebenta, pero lahat daw yun ay mapupunta sa kanyang favorite advocacy na Smile Train Philippines, na kung saan marami na siyang natulungan na mga bata na may bingot na maoperahan at wala talagang gagastusin ang kanilang mapipili.

Sa launch na sa ginanap sa Podium para nga sa bago niyang endorsement, kitang-kita nga kung gaano kaganda at kaligaya ni Marian na biglang lumaki ang tummy na sinasabing five months na.

Smile-Train-Phl-Marian-Rivera

Pahulaan pa rin kung boy or girl ba ang kanilang second baby ni Dingdong Dantes na magkakaroon ng gender reveal next week.  Pero wish ni Marian, na maging madali raw ang panganganak niya, dahil noong nag-labor siya kay Zia Dantes at inabot ng mahigit sampung oras.

Anyway, tuloy ang pagsama ni Marian sa The Color Run Tour ngayong Linggo sa McKinley West, Taguig City.  Maglalakad lang daw siya, pero si Zia ay tatakbo kasama ang kanyang Daddy Dingdong, at maraming artista ang nangakong susuporta.

Sinabi rin ni Marian na walang big party para sa 3rd birthday ni Zia dahil mas ginusto raw ng anak nila ni Dong na pumunta na lang sa Tokyo Disneyland na first time pala nitong mapupuntahan, kaya doon sila magsi-celebrate.

dantes fam

After the color fun run, mapapanood pa rin si Marian sa Sunday PinaSaya na kung saan marami silang inihandang segments at isa rito ang pagbibigay nila ng homage sa mga hit comedy shows ng GMA na tiyak na magugustuhan ng kanilang loyal televiewers.

Sa show din ilo-launch ang GMA Christmas Station ID na kung magsasama-sama ang mga stars ng Kapuso Network.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s