Janine, maraming good things na nalaman kay Alden at ‘di niya malilimutan

Ni: Nora V. Calderon

FINALE na ngayong gabi ng Victor Magtanggol at inamin ni Janine Gutierrez nang bumisita kami sa set nila sa Sta. Manila na nalulungkot siya at mami-miss niya ang buong cast, at mga production staff.

I hope po na na-serve ko yung purpose ko sa show kahit papaano, sabi ni Janine.

“Nang tanggapin ko po kasi itong project bilang leading lady ni Alden Richards, tinanong ko ang sarili ko bakit ako ang napili, si Alden po first time ko lamang makakatrabaho pero marami na akong good things na nalaman tungkol sa kanya. 

“Kaya nagtiwala na lamang ako sa mga boss, kaya sana nga hindi ko sila nabigo sa opportunity na ipinagkaloob nila sa akin.

Alden & Janine Sta. Ana

Alin sa mga eksena o mga nagawa nila ni Alden ang hindi niya malilimutan?

“Marami po akong memorable moments sa pagsasama namin ni Alden sa serye.  Pero ang hindi ko malilimutan noong kami lamang tatlo, with Tita Coney (Reyes) ang nag-taping sa Japan.  Minsan kumain kami sa labas na nag-order ako ng shrimp pero hindi ako nasarapan.  Tanong ni Alden, Ano ka, hindi masarap?’ Inayos niya yung kinakain ko, tapos tinimplahan niya ng lemon, nang tikman ko ulit masarap na.

Iyong mga ganoong maliliit na moments na maaalala ko sa kanya.  Very sensitive siya sa mga tao.  Alam niya kung masaya ka o hindi ka okey.  Aasikasuhin ka niya, ganoon siya kaasikaso sa lahat ng tao.

Ayaw ikuwento ni Janine kung ano ang mangyayari sa character niya.  Hindi na nga magiging sila ni Victor dahil ikinasal na siya kay Tim, si Lucho Ayala, na iniligtas ang buhay niya nang sakupin sila ng mga tauhan ni Loki (John Estrada).

Nagpasalamat si Janine sa lahat ng mga sumubaybay sa kanilang serye lalo na sa mga fans niya na every night ay kasali sa Twitter party, after ng 24 Oras sa GMA 7.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s