Andrea, hindi na basta-basta made-depress at kahit patuloy na i-bash

Ni: Rose Garcia

KUNG magbubukas ang Cain at Abel sa Lunes, mamamaalam naman ang Victor Magtanggol ngayong gabi with its “The Heroic Finale.”

Nakausap namin si Andrea Torres, isa sa cast ng primetime serye na pinagbidahan at unang title role ni Alden Richards na malungkot daw na last week na nila at nasanay na siya sa M-W-F taping nila na magkakasama, pero masaya rin daw siya dahil very proud sila sa nagawa nila.

Lahat daw mami-miss niyang talaga sa Victor Magtanggol.

Sabi ni Andrea, “Sabi nga namin nu’ng nag-uusap-usap kami, parang wala kaming iniiwasan sa set, walang nale-left-out, walang tapon yung ginagamit nilang term. At ‘pag nag-usap kami, sobrang deep na bagay.”

Andrea-Torres-Sif

Isa na raw rito kapag kausap niya ang actress na si Coney Reyes na bukod sa binigyan siya ng bible nito, naisama rin daw siya sa church na ina-attend-an niya ngayon, ang Victory Christian Fellowship.

Pero, hindi pa naman daw siya nako-convert, pero nasa process siya na pinapalakas niya ang faith niya.

Nagawa rin daw siyang maisama ng mga bff na sina Rochelle Pangilinan at Max Collins sa Victory lalo na noong time na na-depress siya. Pero ngayon daw, feeling niya ay hindi na siya basta-basta made-depress.

Kaya kahit nakatatanggap ng mga pamba-bash, hindi na raw siya madaling maapektuhan.

Positive lang si Andrea ngayon at may pasabog pa nga siya na sexy calendar ngayong 2019 na iri-release niya at siguradong pagkaka-abalahan naman niya after ng V.M.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s