Dennis, ganun na lang ang paghanga kay Dingdong na nag-iisang ‘hari’ para sa kanya

Ni : Rose Garcia

HALOS hindi raw nakatulog ang Drama King na si Dennis Trillo nang magsimula na silang mag-taping ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ng bagong primetime series nila sa GMA-7, ang Cain at Abel na magsisimula ng mapanood simula ngayong Lunes, November 19.

Sabi ni Dennis, “sa tingin ko, kung meron mang tatawaging hari dito, si Dingdong Dantes lang yun. Matagal ko na siyang hinahangaan, idolo career wise at sa buhay niya.”

Matagal na raw niyang hinahangaan si Dingdong kaya nang malaman niya ang magiging pagsasama nila sa Cain at Abel, talagang dream come true raw para sa kanya at baka hindi na magkaroon pa ng panibagong opportunity.

Eh, actually, pareho nga sila ni Dingdong nang naging pahayag. Kahit si Dong, kabado rin daw na ka-eksena si Dennis at takot na magkamali dahil hinhangaan din niya si Dennis bilang actor, gayundin ang mga body of works nito.

Dingdong, Solenn, Dennis, Sanya (2)

Dalawang “hari” na nga ng Kapuso network ang nagsama sa isa sa maituturing na pinaka-malaking primetime series ng network.

Of course, parehong aware na ang tatapatan nila ay ang pinaka-matatag din na hari naman ng Kapamilya network, halos pareho rin ng sagot sina Dingdong at Dennis sa magiging tapatan ng Cain at Abel at ang Ang Probinsyano simula ngayong Lunes.

Nakikita namin na confident pareho sina Dingdong at Dennis sa bago nilang serye na hindi mo puwedeng i-categorize lang as action but also with drama and romance kunsaan, leading ladies nila ang mga sexy Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Solenn Heusaff.

Sa ngayon, mas gusto raw nila na makita at mapanood ng mga tao ang materyal ng Cain at Abel at kung gaano ito kaganda at binusisi katulong ang tatlong directors nila na sina Mark Reyes, Don Michael Perez at Toto Natividad more than ratings.

Sey nga ni Dingdong, “ang trabaho naman namin ay magampanan ng maayos ang aming mga characters at hindi mag-monitor ng ratings.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s