Alden, nag-react na rin sa pagkaka-link nina Maine at Arjo; Ria, mas apektado sa pamba-bash kesa sa kapatid

Ni:  Rohn Romulo

HINDI nga nakaligtas si Ria Atayde na i-bash ng AlDub fans nang ipagtanggol niya ang kapatid na aktor na si Arjo Atayde na todo-todong nilait  simula nang ma-link kay Maine Mendoza.

Sunud-sunod nga ang pagkikita nina Arjo at Maine sa restaurants, bar, concert, Halloween party at ang pinag-usapan ngang pagsasama ng dalawa sa Bali, Indonesia.

Inamin naman ni Ria sa isang interview niya sa ABS-CBN News na mas affected siya nang pamba-bash kumpara kay Arjo.

“What I admire about my brother… Sometimes ako, I’m more, like, ‘Oh my god, I want to reply already’, and he says, ‘You know what, Ria, don’t mind them. We know the truth, we know what’s going on, we don’t have to give them that much.’

“I have to be strong… Because I care so much. I always overthink. I always over analyze, that’s why I’m always so affected. Him naman, he’s very carefree,” pahayag ni Ria.

Maine-Mendoza1

Natanong din si Ria kung ano na nga ang status ng kanyang kapatid na sinasabing ka-on na si Maine.

“I think he’s handling everything very well. He’s happy naman with everything. I guess that’s all I can say — he’s happy. He’s at a point where he’s happy and I’m really happy to see him happy.

“That’s all I can share! He will share someday. That’s for him. I keep telling him, when he’s ready, he should be the one also,” paliwanag ng baguhang aktres na kilala na rin Baste sa hit series na Halik.

Samantala, may reaksyon na si Alden Richards sa pagkaka-link nina Maine at Arjo.

Arjo-atayde1

Ayon sa pahayag ng Kapuso actor na lumabas sa Pep.ph, “Ako, siguro po sa mga taong involved sa buhay po ng ibang tao, siguro mas okay na lang po siguro na just leave them alone, let them be happy kung ano man ang gusto nilang gawin.”

“Tao lang po kami. Hindi po kami robot na basta gusto ng karamihan, gagawin po namin.”

Sabi ng Pambansang Bae at bida ng Victor Magtanggol, kung saan masaya si Maine ay nandoon din siya at alam din siyang susuportahan siya ng ka-loveteam.

“Sana po, ganun na lang. Let them be happy,” tugon pa niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s