Paolo, nabigyan uli ng chance na maging bida kasama si Alessandra; happy na part ng ‘Bubble Gang’ na 23 years na

Ni: Ricky Calderon

AFTER a long while ay muling nabigyan nang lead role si Paolo Contis.

Siya ang kapareha ni Alessandra de Rossi sa Through Night and Day, ang movie ni Veronica Velasco (of Last Supper No. 5 fame) na showing na in cinemas nationwide.

Nagsimula si Paolo ng career niya sa showbiz bilang child. Noon pa man ay kinakitaan na siya ng husay sa pagganap. Pero mailap ang lead roles kay Paolo. We remember him doing a fine job in a filmfest movie kung saan kung nagwagi siya ng Best Actor award mula sa Luna Awards ng Film Academy of the Philippines.

Matagal nang magkaibigan sina Paolo at Alessandra. They are both excited na magkatrabaho sa pelikula.

TNAD_teaser1_Official0945.jpg

Love story ang Through Night and Day. Kwento ito ng magkarelasyon who went on a trip sa Iceland bago sila ikasal.  What happened in their trip will test their relationship and will make them think kung dapat pa ba nilang ituloy ang kanilang relasyon at magpakasal after their trip.

Happy rin si Paolo dahil ipinagdiriwang ng Bubble Gang, ang longest-running gag show on Philippine TV, ang 23rd anniversary ng programa.

Hindi man siya part ng original cast ng Bubble Gang, very thankful naman ang actor na naging bahagi siya ng programa and is considered one of the pillars of the gag show.

Sa presscon para sa 23rd anniversary special ng show titled Bente Tres Oras, sinabi ni Paolo na he looks forward to Mondays dahil ‘yun ng araw ng taping nila for Bubble Gang. Hindi raw kasi trabaho ang tingin nila sa taping ng show kundi bonding time with the cast.

Masaya silang lahat sa set. May kulitan. Kung may aberya o tampuhan mang nagaganap, madali naman daw nila itong nare-resolve.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s