‘Victor Magtanggol’ ni Alden, itinangging na-cut short dahil nag-extend pa nang three weeks

Ni: Nora V. Calderon

SIMULA na ng grand finale ngayong Monday, November 12, ng action-drama-fantasy series ni Pambansang Bae Alden Richards, ang Victor Magtanggol.

Walang katotohanan ang mga ikinakalat na balita ng mga bashers na cut short ang serye, dahil matatapos ito ng more than one season, 16 weeks, bale na-extend ito ng three weeks pa, hanggang sa Friday, November 16.  Nagsimulang umere ang serye noong July 30, 2018.

Tumanggap din ang programa ng positive feedbacks mula sa mga televiewers sa acting ng cast, particularly ni Alden as Victor Magtanggol at Hammerman at sa mga special effects and costumes na ginamit sa show.

ALDEN9

Totoo ang sinabi ni Alden na niyakap niya nang buo ang proyekto at ang pagganap sa dalawa niyang katauhan sa simula pa lamang ng taping at ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya sa mga action scenes and stunts.

Kaya nagpasalamat siya at ang buong cast na kinabibilangan nina Andrea Torres, Janine Gutierrez, Coney Reyes, John Estrada, Pancho Magno, Chynna Ortaleza, Al Tantay, Eric Quizon, Dion Ignacio, Maritoni Fernandez, Lucho Ayala, Kristoffer Martin, Lindsay de Vera and child actor Yuan Francisco, at ni Direk Dominic Zapata, na hindi nila kayo bibiguin sa mga magagandang action scenes hanggang sa grand finale sa Friday, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Network.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s