Marian, sasamahan pa rin si Dingdong sa kanilang color fun run kahit buntis

Ni: Nora V. Calderon

SA November 20 raw ang gender reveal ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng second baby nila.

Ito ang isinagot ni Marian sa tanong kung ano ang magiging baby nila kasunod ni Zia, nang mag-renew siya ng endorsement contract niya sa Nailandia for the fourth time.      Nagpasalamat si Marian sa may-ari ng Nail Studio and Body Spa na kahit daw preggy siya ay kinuha siya muli.

Kamias na isinawsaw sa asin ang unang hiningi ni Marian nang maglihi siya.  Basta raw maaasim at maalat, gusto niya, di tulad noong kay Zia na mga matatamis na white chocolate at candy.

marian-nailandia1

Hanggang ngayon daw na almost five months na siya, may morning sickness pas siya at kapag lumabas siya at matrapik, nahihilo siya.  Kung dati, hindi siya lumalabas kung hindi siya nakaayos, ngayon kahit wala siyang make-up, lumalabas siya.

“Basta labis po ang pasasalamat ko kay Lord dahil lahat ng hinihiling ko sa kanya, ibinibigay niya.”

Magaan din namang kumilos si Marian. After nga ng contract signing niya, tumuloy pa siya sa GMA Network para sa mediacon nila ni Dingdong ng The Color Run Hero Tour na magaganap sa November 18, sa McKinley West, Taguig City, na tatakbuhin ang 5k ni Dingdong kasama ang iba pang Kapuso stars.

Si Marian, lalakarin daw lamang niya iyon.  Ang proceeds ng “I Am Super” camgpaign ay mapupunta sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.

dongyan-colorrun1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s