Ken, masayang binalita na bumubuti na ang kalagayan ng amang may cancer

Ni: Ruel Mendoza

MASAYANG binalita ni Ken Chan na mas bumubuti na ang kalagayan ng kanyang ama na na-diagnose with stage 2 esophageal cancer.

Ayon sa bida ng teleserye na My Special Tatay, patuloy ang pagpapa-chemotherapy nito para mas bumilis ang pagpapagaling nito.

“He’s getting better. Sa awa ng Diyos, hindi siya nagsusuka ng malala. ‘Di ba kapag nagki-chemo, nagsusuka, walang gana kumain pero siya ganado siya.

“Lumalaban siya, pinipilit niyang kumain, at saka ang tanging lakas niya talaga is My Special Tatay. Wala siyang nami-miss na isang episode,” masayang kuwento ni Ken.

Ikinatutuwa pa ni Ken sa kanyang ama ay tuwing pupuntahan niya ito sa ospital, ang ratings ng teleserye ang tinatanong nito.

“Alam mo ‘yung Papa ko, kapag nasa ospital ako, natatawa ko sa kanya kasi tatangungin niya kagad, kamusta ratings mo?

ken chan2.jpg

“Happy siya kapag nalalaman niya na maganda ‘yung ratings ng My Special Tatay. ‘Yun ang lakas niya, dun siya humuhugot kasi alam n’ya talaga pangarap ko ‘to.

“Alam niya talaga mula umpisa pa lang gusto ko ‘to. At nung bago ako nag-umpisa, sinuportahan niya ako hanggang ngayon kaya alam kong masaya siya para sa akin.”

Ngayon naman daw ay si Ken ang sumusuporta sa kanyang amang maysakit. Kapag wala raw siyang taping, nasa ospital lang daw siya at inaasikaso ang kanyang ama.

“Bale doon na ako sa ospital nagpapahinga. Pero ako ang personal nurse at caregiver ni Papa. Ako ang nagpapakain sa kanya, nagbibigay ng gamot at nagkukuwentuhan kami.

“Sabi ko nga, this time ako naman ang susuporta kay Papa,” pagtatapos pa ni Ken Chan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s