Dennis, nagpa-borta ng katawan dahil mapapasabak sa matitinding action scenes

Ni: Ruel Mendoza

KAYA naman pala bortang-borta ang katawan ngayon ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ay dahil napapasabak siya sa matitinding action scenes sa aabangan na primetime teleserye with Dingdong Dantes na Cain at Abel.

Sa pinapakitang teaser ng Cain at Abel, makikita ang mga mahihirap na eksena nila Dong at Dennis.

May buwis-buhay stunt pa si Dennis na kinunan sa Santa Cruz, Laguna kunsaan tumalon siya mula sa isang tulay.

Pinost pa ni Dennis sa kanyang Instagram ang naturang eksena at nilagyan pa niya ito ng nakakatuwang caption: “Malinis siya promise🤚🏼!💩🚿 #presko #cainatabel 📽📺”

Dennis Trillo Sta Cruz, Laguna

Kasama sa mga daily workouts ng aktor ay ang kanyang hilig sa pagbisikleta. Pinost nga ni Dennis ang isang video sa IG kunsaan shirtless siyang nagbibisikleta.

Kitang-kita ang mga matitigas niyang abs na nagpakilig sa mga netizens.

Heto ang ilang comments ng netizens sa shirtless bike ride ni Dennis: “Ingat my crush😘😘😘😘😍😍😍😍”

“Sana sunod mgkasama kayo n mamaw mg bike papaw..”

“May sipa pa ah.. Tara na!!!”

“Shouldnt you be wearing protective gear? Just concerned…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s