Alden, masaya pa rin sa kinalabasan ng ‘Victor Magtanggol’ na naging inspirasyon ng kabataan

Ni: Rose Garcia

HULING linggo na ngayon ng primetime fantaserye na unang title role at nagsilbing comeback primetime series ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa telebisyon, ang Victor Magtanggol.

Nakausap namin si Alden habang nagre-rehearsal ito at dito namin nalaman sa kanya ang totoo.

So, obviously, ang dami kasing may “mamema” lang. Yung may masabi lang, may pang-bash lang o may panira lang na gawin.

Dahil nabalita na nga na magpi-finale na ang Victor Magtanggol at papalitan na ito ng Cain at Abel nandiyang may mga nagsasabi na kesyo na-cut short daw.

Eh, ang totoo naman pala, nag-extend pa ng halos ilang linggo ang V.M. sa dapat ay one season lang talaga nito.

Aminado naman ang show na hindi talaga naungusan in-terms of ratings ang Ang Probinsyano, but still, ang importante yung na-impart talaga ng serye nila sa mga manonood, lalo na raw sa mga bata.

Ayon kay Alden, hindi raw siya magsisinungaling na magtatapos na ito, pero kahit siya raw ay wala talagang magagawa. Umpisa pa lang daw talaga, may intended run na talagang inilatag sa kanya, bukod sa magkaka-conflict na rin talaga sa schedules niya dahil may nai-plano na siyang two weeks vacation sa America at may naka-line-up pa siyang gagawin na hindi pa lang niya puwedeng i-reveal.

Nang tanungin nga namin siya kung naging masaya ba siya, “Very much! Masaya po ako sa kinalabasan ng story, characterization at naging inspiration po ang show ng maraming kabataan.”

Kung gagawa raw siya ng bagong show, kung posible raw ay gusto niyang ang mga kasama pa rin niya sa V.M. ang makasama niya dahil sobra raw silang nag-enjoy lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s