Regine, natupad na rin ang dream na makasama si Sharon sa isang concert

Ni: Ruel Mendoza

Nagpapasalamat si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid dahil ang matagal na niyang dream na makasama sa isang concert niya si Megastar Sharon Cuneta ay matutupad na.

Isa nga si Sharon sa special guest ni Regine sa kanyang nalalapit na concert na Regine At The Movies on November 17, 24 and 25 sa New Frontier Theater (formerly KIA Theater) sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

sharon regine

Guest si Mega sa November 24 at natuwa si Regine dahil nagawang isingit ni Sharon ang kanyang guesting kahit na may iba na itong schedule.

“Abala rin kasi si Sharon. Meron din pala siyang ibang gagawin, pero she said yes naman. Kaya mapapanood natin siya sa concert and I feel so happy kasi first time itong mangyayari,” ngiti pa ni Regine.

Inamin ni Regine na isa siyang die-hard Sharonian at lahat ng mga pelikula nito ay pinapanood niya. Kahit na mga songs ni Shawie ay alam lahat ni Regine.

“Matagal ko nang gustong makasama si Sharon sa isang concert, pero hindi nga natutuloy kasi parang ang hirap gawin because nasa magkaiba kaming networks.

Sharon-Cuneta (2)

“Ngayon that I am with ABS-CBN 2 na, mas madali na. Kumbaga may access na. Magkakaroon na ng katuparan ang long-time dream ko na makasama ang Megastar sa isang concert,” diin pa ni Regine.

Isa nga si Sharon sa nagparamdam ng mainit na pag-welcome kay Regine bilang bagong Kapamilya. Isa rin si Sharon sa nagtanggol kay Regine at sa mister nito na si Ogie Alcasid noong sunud-sunod ang bashing sa kanila on social media.

“Nagpapasalamat kaming mag-asawa sa ginawa ng mga taong ito. Sa totoo lang, hindi naman nila kailangang gawin iyon, pero they did it out of their love, support and respect sa amin ni Ogie.

“Kaya naman things are easier now. Masarap isipin na may mga kaibigan kami na handang ipagtanggol kami sa mga bashers,” pagtatapos pa ni Regine.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s