Jolina, ‘di man lang nakatunog sa surprise 40th birthday party ng mga nagmamahal sa kanya

Ni:  Rose Garcia

Si Jolina Magdangal na ang akala niyang dinner na pupuntahan niya noong Miyerkules ng gabi sa Cove Manila, Okada ay isang bongga at sosyal na surprise 40th birthday party pala para sa kanya.

Ang manager ni Jolina na si Perry Lansigan ang naging punong abala at saka raw naalalang tanungin ni Perry ang Mister ni Jolina na si Mark Escueta kung gusto nitong makisali sa plano nilang surprise. Eh, yun pala, iniisip na rin ni Mark na bigyan ang Misis niya ng party.

jolina-mark.png

January pa lang daw ng taong ito ay nag-plano na sila kaya hindi makapaniwala si Jolina nang malaman ang ilang detalye ng surprise party niya, na nagawang maitago sa kanya ng 100% ng lahat, lalo na ni Mark.

Ang buong alam ni Jolina, may pa-dinner lang sa kanila ang balikbayang tiyahin ni Mark sa Okada. At ginamit din nila ang isang hotel room dahil ang drama naman, hindi na natuloy ang dapat na gagamit.

Pansin nga namin na ni hindi nakapagpa-manicure si Jolina kaya talagang wala itong kaalam-alam. Pero kitang-kita namin ang pagka-touch niya sa nangyari habang tinitingnan ang lahat ng bisita niya mula pa Ang TV days niya tulad nina Lindsay Custodio, Roselle Nava, Melissa Avelino at iba pa.

jolina-ppl

Gayundin ang mga nakasama niya sa iba’t-ibang shows niya at ang dalang mumshie niya na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros at ang loveteam na si Marvin Agustin.

Ang wish lang daw ni Jolina ngayong 40 na siya ay marami pa siyang magawa na dapat niyang gawin. Wish pa rin niyang magka-baby pa na isa at makapag-travel silang muli ni Mark.

Pero sa lahat-lahat, grateful lang daw siya sa 40 years of blessings na mga natanggap niya mapa-personal o career man.

marvin jolina

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s