Imee, nilinaw na ‘di niya endorser si Vice Ganda pero big fan siya

Ni: Ricky Calderon

IPINAHAYAG ni Ilocos Norte Governor Imee R. Marcos na sumasang-ayon siya sa sinabi ni Vice Ganda na wala itong iniendorsong kandidato para sa nalalapit na halalan.

“Tama naman si Vice Ganda. Wala siyang iniindorso. Talagang nagkataon lang na nagkasabay kami sa airport,” wika ng Gobernadora.

Sumabog sa social media kamakailan ang litrato ni Gov. Imee at Vice na sabay naglalakad sa airport tarmac sa Ozamiz City. Nakasuot ng all-black outfit ang host ng It’s Showtime at red jacket at checkered blouse naman ang gobernadora.

Pumunta umano si Vice sa Ozamiz City para sa isang show while Gov. Imee ay guest of honor naman ni Congressman Henry Oaminal sa kanyang state of the district visit. Iisa ang kanilang sinakyan na eroplano.

Naging viral ang nasabing litrato at marami ang bumatikos kay Vice. “The downfall of the unkabogable star!,” ayon sa nagpost, na sinagot naman ng tweet ng actor: “Nagpunta ako sa Ozamiz para mag-aliw ng mga tao, hindi para nag endorso ng kahit na sinong politiko. Hindi ako endorser ng mga Marcos.”

Nagkasabay din sa isang party ang dalawang personalidad kung saan nakunan din sila ng mga litrato kasama ang producer na si Mother Lily Monteverde noong Agosto.

“Hindi ko endorser si Vice Ganda but I am a big fan of her,” sabi ni Gov. Imee.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s