Bea, nagpapasalamat sa mga nakasama sa huling teleserye; magbabakasyon muna kasama ang non-showbiz bf

Ni: Ruel Mendoza

NAGPASALAMAT nang husto ang Kapuso actress na si Bea Binene dahil sa oportunidad na magampanan niya ang role na Claire sa katatapos na teleserye na Kapag Nahati Ang Puso.

First adult role ni Bea ang ginampanan niya sa afternoon series at nakipagtagisan siya ng aktingan sa mga aktres na hinahangan at nirerespeto niya na sina Sunshine Cruz at Bing Loyzaga.

Nagpasalamat din siya sa dalawang hunk actors na sina Benjamin Alves at David Licauco na naging close niya habang ginagawa nila ang telerserye.

“I am beyond grateful to be able to work with these gorgeous women. Hindi lang sila magaan katrabaho at mababait, sobra nila akong tinulungan sa bawat eksena. Ms. @bingloyzaga and Ms. @sunshinecruz718, I really hope that I’ll be able to work with you again. Maraming maraming salamat po sa lahat and mamimiss ko kayo. Shoutout also to these two fine guys, it was a pleasure to work with the both of you. (Kahit walang nakatuluyan si Claire sa inyong dalawa. HAHAHA)”

Sa isang mahabang IG post, nagpasalamat si Bea sa buong staff and crew ng teleserye:

“Another journey has ended. My KNAP journey as Claire has ended. Gusto ko magpasalamat sa GMA for giving me the opportunity to be part of this show. To Direk Gil Tejada, thank you for your guidance, to the production staff, Ms. Regynn Alba, Ms. Dhory, Ms. KJ, the APs, PAs at sa lahat ng nakakasama namin sa taping from the technical team, stuntmen, utility, crowd control, wardrobe, art dept—salamat po sa pagaalaga at sa magaan na set. To our creative team, the writers, thank you for our characters’ story. Sa buong cast, it was a pleasure working with you all and I hope to see you guys again soon. 🙏🏽  Thank you God for everything.

“Higit sa lahat, sa inyo. Sa lahat po ng sumubaybay at nanood ng Kapag Nahati Ang Puso. Isang taos-pusong pasasalamat po. Nung una, kabadong-kabado pa ako, dahil to be honest, hindi madali ang timeslot namin, but because of all your support, we were the number 1 daytime drama. (Ngayon lang ata nangyari yun sa timeslot na to 😅) kaya salamat po. Nakakataba ng puso (pati na katawan) ang suporta nyo. Mahal ko kayo. 💕

Nasa plano raw ni Bea ang magbakasyon muna kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend bago siya magsimula sa bago niyang project sa GMA-7.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s