Alden, nominated sa category na Male Influencer of the Year ng ‘CMMA 2018’, kasama ang tatlong pari at isang motivational speaker

Ni: Nora V. Calderon

MARAMING bumati kay Pambansang Bae Alden Richards nang lumabas ang nomination ng Catholic Mass Media Awards 2018 (CMMA 2018).

Nominated si Alden sa category na Male Influencer of the Year ng CMMA 2018, kasama ang tatlong pari, sina Fr. Joel Jason, Fr. Luciano Felloni, Fr. Jeffrey S. Segovia.  Nominated din sa said category si Kirby Llaban na isang Motivational Speaker.

Wala pang announcement kung kailan magaganap ang awards night sa taong ito ng CMMA.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sa natanggap na nomination ni Alden.  At balik-taping na siya last Wednesday (Nov. 7) matapos ang five days na pahinga, na family bonding sa kanyang pamilya, sasabak na naman siya sa sunud-sunod na action scenes ng Victor Magtanggol dahil susubukan na ng mga kalaban ang kanyang kakayahan bilang ang superhero na si Hammerman.

alden john.jpg

Isa nga sa nakalaban niya ay ang mahusay na action star na si Ian Ignacio bilang si Thrym.  Paano niya tatalunin si Thrym na mula sa ibang mundo?

Ang isa pang hinihintay ng mga tagasubaybay ng action-drama-fantasy series ay ang muli nilang paghaharap ni Loki, played by John Estrada, dahil siya ang hari ng mga manlilinglang at naipapalit niya ang sarili niya kahit kaninong gustuhin niya.

Ipinalit nga niya ang sarili niya kay Gwen (Janine Gutierrez) at nalaman na niyang si Victor nga si Hammerman nang makita niya ang transformation nito.

Napapanood gabi-gabi ang Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s