Diego, balitang-balita na nag-attempt na mag-suicide; ‘di pa raw naka-move on kay Sofia

Ni: Rose Garcia

HABANG isinusulat namin ito ay wala pang pag-amin o pagtanggi ang pamilya o mga taong malapit sa Star Magic artist na si Diego Loyzaga tungkol sa balitang nag-attempt ito ng suicide.

Pero kung pagbabasehan ang mga balita, diumano’y naglaslas ito ng leeg at wrist noong isang gabi at mabuti na lang ay naisugod sa St. Luke’s Hospital at out of danger na nga raw.

Marami ang nagulat sa balita dahil lately, wala namang nababalita rito na anumang negatibong isyu o pinagdadaanan. Nang huli namin siyang makausap, positive naman ito at masaya sa ginagawang pagpapaganda ng katawan at healthy lifestyle.

diego cesar

So it really came a shock, though bigla tuloy napa-throwback ang karamihan during the time na nagsunod-sunod ang rants niya sa ama na si Cesar Montano.

Another thing na naalalang muli ay ang pagpapakamatay rin ng isa pang lalaking anak ng actor na si Angelo which was at that time was 23 years old at ngayon, si Diego ay 23 taong gulang din daw.

Iba-iba ang ispekulasyon na naglalabasan. May theory na kesyo baka hindi pa rin daw ito nakaka-move-on from Sophia Andres na recently ay nagpo-post ng picture with rumored new boyfriend. O baka raw isyu pa rin sa daddy niya na si Cesar at iba pang mas maselan na dahilan.

Kasama si Diego sa Los Bastardos. Kung totoo ngang lahat ang pag-attempt niya ng suicide, tiyak na marami ang mag-aabang kung ano ang mangyayari sa character niya rito.

Pero sana, if ever na totoo man ito, hindi na maulit.

DIego-Sofia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s