Dennis, pwedeng nang tawagin na ‘Tom Cruise of the Philippines’; buwis-buhay na eksena maraming nag-react

Ni: Nora V. Calderon

MARAMING nag-react nang mag-post si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang Instagram account ng isang buwis-buhay na eksena sa upcoming primetime series nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na Cain at Abel na tumalon siya sa mataas na tulay sa Santa Cruz, Laguna.

Ang eksena ay nakorner siya ng mga taong humahabol sa kanya at ang magagawa lamang niya para makaligtas sa pagkuyug sa kanya ay ang tumalon sa tulay.

Nag-post naman si Dennis nang makaahon na siya sa kabilang panig ng tulay.  Palakpakan ang mga tao na humanga sa lakas ng loob niyang gawin ang eksena, hindi kasi siya gumamit ng double.

Dennis Trillo Sta Cruz, Laguna

Matapos umahon si Dennis, ang concern naman ng mga netizens kung malinis daw ba ang tubig na binagsakan niya, baka raw marumi ito, at sana raw ay wala siyang nainom na tubig.

Sagot ni Dennis: “siniguro ko namang wala nang mga ___ pag talon ko” at “malinis naman siya, promise.”

May nag-post pa na si Dennis daw ang Tom Cruise of the Philippines sa ipinakikita niyang husay sa pagganap.

Based sa teaser ng Cain at Abel na ipinalalabas na ngayon sa GMA-7, mukhang mas marami pang action scenes at mga pasabog na gagawin sina Dennis at Dingdong, sa direksyon ni Mark Reyes.

Abangan ang nalalapit na airing ng Cain at Abel na mga leading ladies nila sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s