Arthur at Rochelle, nag-gender reveal habang nasa Japan; ibinigay ang pinag-pray na baby girl

Ni: Nora V. Calderon

MULA sa Shibuya, Japan, ipinost ng mag-asawang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan ang gender reveal nila sa coming first baby nila: “It’s a girl!” last November 1, habang nagbabakasyon sila roon kasama ang parents nilang mag-asawa.

Doon nila tinanggap ang magandang balita mula sa doctor niya.

“Maraming salamat Lord! Iba ka! Excited to meet you soon Baby!” post ni Arthur sa kanyang instagram account at napuno siya ng pagbati, unang-una ang cousin niyang si Dingdong Dantes.

Art & Rochelle with parents.jpg

“Thank you God!!! Kung ano ang pinag-pray namin yun ang binigay Mo! Grabe ang gift Mo sa amin! Marami rin nagsabi dito at mga friends na Baby girl daw, yes! Tama kayo. Thank you! #itsagirl” Post naman ni Rochelle sa kanyang Instagram.

Napuno rin ang IG ni Rochelle ng pagbati mula sa mga kasama niya sa PPL Entertainment, mga dating kasama sa Sex Bomb Girls, mga co-stars sa teleserye nilang Onanay at iba pang kasamahang artista.

Congratulations Arthur and Rochelle!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s