Sharlene, never na-imagine na magkaka-movie poster sila ni Nash

Ni: Rohn Romulo

UNA nating nakilala si Nash Aguas sa mahusay na nagpapatawa sa Goin’ Bulilit at huling nagpakitang gilas sa husay sa pag-arte sa The Good Son.

At ngayon naman ay bibida siya sa teen horror-thriller na Class of 2018 na kung saan makakatambal niya ang isang pang graduate ng Goin’ Bulilit na si Sharlene San Pedro.

Makakasama rin nila sa Class of 2018 na palabas na ngayon sa mga sinehan, ang ibang pang Goin’ Bulilit alumni na sina CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis,

Mula ito sa panulat ni Jericho Aguado at co-written and directed by Charliebebs Gohetia, ang Class of 2018 latest offering ng T-Rex Entertainment, na nag-produce ng critically acclaimed films na Patay na si Hesus, Deadma Walking at Bakwit Boys.

Maituturing na ito nga ang big break na hinihintay ng talented filmmaker, ang Class of 2018 ang kanyang ikawalong full-length movie.   Si Direk Bebs ay award-winning film editor, 38 films na ang kanyang na-edit, ilan dito ang mga obra ng mga kinikilalang direktor na sina Mel Chionglo, Brillante Mendoza, Adolfo Alix, Jr., Joel Lamangan at Joey Reyes.

class of 2018-poster

Ang 2015 film niya na kinunan pa sa Thailand, na I Love You, Thank You na pinagbidahan ni Joross Gamboa, ay nakatanggap nang pitong nominasyon sa Star Awards for Movies.

Kasama rin sa cast sina Yayo Aguila, Adrian Alandy, Dido dela Paz, Alex Medina, Sherry Lara, Michelle Vito, Ethan Salvador, Jomari Angeles, Kelvin Miranda, Nikki Gonzales, Lara Fortuna, Aga Arceo, Shiara Dizon, Hanna Francisco, Justin de Guzman, Dylan Ray Talon, Micah Jackson, Jude Matthew Servilla, John Vic De Guzman, Yvette Sanchez, Jerom Canlas, at Noubikko Ray.

Ang Class of 2018 ang biggest starring roles para sa tambalang Nash at Sharlene, at CJ at Kristel. Hindi pa rin sila makapaniwalang bida na sila sa isang movie na inaasahan na susuportahan ng kanilang mga tagahanga.

Nang unang ilabas sa online ang official movie poster, hindi talaga makapaniwala si Sharlene na bida na nga sila ng long-time ka-love team. Ayon pa sa kanyang IG post, never niyang na-imagine sa magkaka-movie poster na silang dalawa lang ni Nash.

Para sa updates tungkol sa Class of 2018, check out the accounts of T-Rex Entertainment @prodsthatmatter on Facebook, Instagram and Twitter.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s