Paolo, nai-relate sa relasyon nila ni LJ ang roles nila ni Alessandra

Ni: Rose Garcia

NA-MISS daw ni Paolo Contis ang gumawa ng pelikula.

Kaya natuwa ito nang makisama pati schedules niya.

Wala pa siyang teleserye sa GMA-7 kaya nakagawa siya ng dalawang pelikula, isa na nga rito ang Through Night and Day na produced ng OctoArts Film at VIVA Films at kapareha niya si Alessandra de Rossi.

TNAD_teaser1_Official0686

Half of the movie was shot in Iceland kaya ang bongga. Pero kuwento nina Paolo at Alessandra, sobrang lamig talaga dahil negative ten daw, mahal ang mga bilihin pero napakaganda talaga ng lugar na mapapanood sa movie simula ngayong November 14.

Ang kuwento ay matagal na silang magkaibigan ni Alex mula pagkabata bago maging sila which is in real-life, magkaibigan na raw sila mga bata pa lang nung halos school mate sila sa DLC ng ABS-CBN.

Na parang sa movie rin, paborito nang alaskahin ni Paolo si Alessandra bata pa lang sila.

Nai-relate rin ni Paolo sa totoong relasyon niya with LJ Reyes na kahit masasabing bago pa rin ang relationship nila, matagal na rin daw silang magkakilala.

Yung tagal na dahil kilala niya ko dati, pwedeng naiisip niya, ‘wag ako, Contis! Kilala kita! Ha ha ha!”

TNAD_teaser1_Official1265.jpg

Happy si Paolo ngayon na timing din daw ang mga trabahong pumasok sa kanya na manganganak na si LJ sa January. Na para rito, blessing talaga ang magiging anak na baby girl sa mga projects na meron siya ngayon.

“Eh sabi siguro ng anak ko, mag-work ka Daddy, kailangan ha ha ha!”

Pero inamin ni Paolo na hindi raw madali nang iwan niya si LJ na buntis ito at 12 days siyang nawala nang mag-Iceland. Pero siyempre, naiintindihan naman daw ni LJ dahil trabaho ang pinunta niya.

When it comes to wedding plans, ayaw pang magsalita ni Paolo though, masaya raw siya na mas mabilis ang proseso ngayon sa annulment nila ni Lian Paz.

At pareho naman daw sila na gusto rin maisaayos na ang lahat at gawing legal with their respective partners.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s