Marcelito, nakalabas na rin sa sikat na show na ‘The Ellen DeGeneres Show’

Ni:  Rohn Romulo

NAKILALA si Marcelito Pomoy hindi lang dahil sa husay sa pagkanta, dahil kayang-kaya niyang kumanta gamit ang dalawa niyang ginuntuan tinig na para sa babae at lalake.

Kaya naman last November 1 ay na-showcase na ang kanyang unique skill sa buong mundo sa paglabas niya sa The Ellen DeGeneres Show.

Si Ellen DeGeneres mismo ang nag-announce sa kanyang Instagram last October 31 na magpapakitang gilas si Marcelito sa kanyang Emmy Award-winning show kasama ang preview pre-recorded performance ni Pomoy ng “The Prayer” na makikipag-duet nga siya sa kanyang sarili.

Ayon sa IG post ni DeGeneres: “Marcelito Pomoy’s voice is incredible. Both of them. Don’t miss tomorrow.”

Noong 2011 nanalo si Marcelito ng grand prize sa Pilipinas Got Talent, at ito nga ang pinakahihintay niyang big break.

Marami naman magagandang comments sa post ni Ellen, ayon kay @wansmick, deserving si Pomoy na maging famous.

Nagpasalamat naman si @narsbonggang kay DeGeneres for always featuring Filipino talents.

marcelito-pomoy-2

Sabi naman ni @iamyours77 kay Pomoy to “keep it up.”

@ifylisette called Pomoy’s voices “marvelous.”

Kahilera na ni Marcelito ang iba pang Filipino singers na nakalabas na rin sa show tulad ni Charice Pempengco (bago pa maging Jake Zyrus) at Journey vocalist na si Arnel Pineda.

Napanood namin sa youtube ang guesting ni Marcelito at sinabi ni Ellen na tinawagan nito ang kaibigan na si Celine Dion at dadalhin siya sa Las Vegas para ma-meet ng personal ang hinahangaang international singer.

marcelito-pomoy-celine-dion

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s