Angelika, ‘di naiwasang patulan ang mga bashers; nagpa-practice na raw sa pagiging kontrabida

Ni: Rose Garcia

BIRTHDAY ni Angelika dela Cruz noong Lunes, October 29, pero mukhang isang Linggo na hindi naiwasan ni Angelika ang ilang bashers sa social media.

Simula ito nang mag-post si Angelika nang naging rants niya sa Philippine Airlines dahil sa nangyari sa kanilang magkapatid na si Mika dela Cruz sa flight sana nilang pamilya pabalik ng Manila mula sa bakasyon nila sa Cebu.

Kunsaan, dahil magkahiwalay ang flight nila at sa loob ng ilang oras ay ginawan ng paraan na magkasabay na sila ng flight, pero hindi nagawan ng paraan ng maayos, sa kabila ng willingness nila na magbayad pa ng kailangan.

Pero siguro, dapat ay may gawing action ang PAL sa isa sa empleyado nila na pinost ni Angelika ang IG account na @sharmaineerrrrr na ayon dito, nag-post daw ng flight details niya sa IG nito.

Sabi ni Angelika, “please paki turuan ng tamang asal ang tauhan ninyo na na nag-post ng flight details ko sa ig (nasa customer service department daw).”

May sinagot din na basher si Angelika na nag-comment sa kanya at tinawag siyang “entitled.”

Sinabihan ni @pinny_jinny ang Kapuso actress na, “Iba pala flight ang ibinook nyo sa kapatid nyo. Hindi nyo talaga sha mkksabay pauwi. You created the problem. You booked the wrong flight for your sister. You can’t expect people to bend all the rules to solve your problem. And posting your rants to IG, that just make you seem a little too entitled.”

Kung tinawag nitong feeling entitled ang aktres, tinawag naman na meddlesome ni Angelika ang basher Sey niya, “@pinny_jinny another stupid person na comment ng comment without understanding the situation… this is my account I can rant all I want! Ikaw ang walang karapatang mag comment ng ganyan sa ig ko… dyan ka sa account mo mag comment… You posting on my ig makes you seem a little too meddlesome. #epalproblems.”

Hindi pa rito nagtapos ang pagsagot ni Angelika sa basher at sa caption niya, nag-post din ito nang, “kung maka comment na akala mo kung sino… I can rant all I want on my ig account… because this is my account!! You on the other hand ang walang right na mag comment ng ganyan saken… how dare you call me entitled?!! Do you know me personally? Nasg post lang ako ng saloobin ko sa nangyari sa amin ENTITLED na agad?! Pag sa yo nangyari yan tingnan ko lang kung hindi ka magalit!!!”

May ilang nag-comment naman sa IG ni Angelika na huwag na raw nitong pansinin ang mga bashers at nakakapangit. Sabi naman nung isa, parang nagpa-practice na raw si Angelika sa new show nito.

Ang tinutukoy siguro nito ay ang bagong teleserye sa Kapuso network na Inagaw na Bituin kunsaan magkakasama sila nina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon at Angelu de Leon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s