Pia, umiiwas talaga na pag-usapan sina Gerald at Bea bilang respeto kay Marlon

Ni:  Ruel Mendoza

Hangga’t maaari ay hindi nakikialam ang tinaguriang Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud sa mga personal na buhay ng kanyang mga beauty queen discoveries.

Gusto raw ni Jonas na may boundaries siya pagdating sa professional at personal na buhay ng kanyang mga beauty queens.

“As much as possible, ayokong  nakikialam sa personal lives nila. Not unless sila ang humingi ng advice sa akin tungkol diyan, eh hands-off ako. Kumbaga, more on sa professional side ako ng buhay nila.

“Kapag napapansin ko na affected na ang work nila because of their personal problems tulad sa boyfriend, doon na ako papasok kasi gusto kong maging maayos ang work nila kasi ako ang mapapahiya, ‘di ba?

“Ngayon kung mukhang okey naman at mas nagiging productive sila because of their relationship, maganda iyon. Gusto ko rin naman na inspired sila both professionally and personally,” sey pa ni Jonas sa launch ng kanyang bagong project na GLAM: Global Asian Model Philippines.

jonas-gaffud-pia

Ayon kay Jonas, wala raw siyang alam sa issue ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach with Gerald Anderson and Bea Alonzo. Hindi rin daw siya ang nag-utos kay Pia na huwag i-entertain ang mga tanong tungkol sa dalawa.

“Wala akong kinalaman doon. Noong ni-launch si Pia as Ginebra Calendar Girl, ang alam ko lang ay haharap siya sa media for the promotion. Pero ‘yung tungkol kina Gerald and Bea, siya na siguro ang nag-request no’n.

“Para naman sa akin, tama lang naman iyon kasi in a relationship si Pia kay Marlon (Stockinger) at hindi proper na pag-usapan si Gerald kasi nakakahiya naman din kay Bea. Tsaka Ginebra event iyon, it’s not about a movie with Gerald or Bea. Respeto na rin iyon ni Pia para sa dalawa,” diin pa ni Jonas.

Anyway ang mga mapipiling manalo sa GLAM ay tatanggpa ng international modeling contracts with Empire.ph and Mercator Model management.

Ang tatanghalin na Best Model of the World Male and Female winners ay lalaban sa Istanbul, Turkey this December.

Ang mapipiling Manhunt Male winner ay ipapadala sa Gold Cost, Australia this November.

At ang mapipiling female and male Glam PH International ay magkakaroon ng 3-month contract each in Manila, Bangkok, Singapore and an appearance in Los Angeles.

Mapapanood naman via a digital series ang GLAM via Facebook, Youtube and Instagram under Empire TV Philippines.

Sa November 8 na ang finals at gaganapin ito sa Xylo BGC. Tickets for the finale are available at Empire Studios.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s