Ni: Ricky Calderon
SOBRANG nalungkot ang mga Noranians, kasama na rin kami, sa muling pang-ii-snob kay Nora Aunor.
Ligwak na naman si Ate Guy sa pagiging National Artist.
Kahit na kasali ang pangalan niya sa listahan na nagmula sa NCCA at CCP, ‘yung Honors Committee naman ng Malacanang ang naghudas sa kanya at inalis ang kanyang pangalan sa listahan na ibinigay kay Presidente Duterte.
Ayon sa Tweet ng GGMA News, “NCCA Chair Virgilio Almario confirms that actress Nora Aunor was among 8 recommended for the National Artist awards but was delisted by Malacanang; Almario believes one’s contribution to the art should have more weight than an artist’s personal circumstances.”
Sa kanyang statement, sinabi naman ni Ate Guy, “Ano naman ang isang award kung ang kapalit nito ay paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin.
“Sapat na po ang respetong natatanggap ko sa mga kasamahan ko sa trabaho.”
Ang susunod na paggawad ng National Artist ay two years from now and by that time, Si Digong pa rin ang president. Kaya mahirap ipangako na baka by that time eh finally mahirang na bilang National Artist si Ate Guy.
Baka pag bago na ang president ay mas malaki na ang chance ni Ate Guy na maging National Artist.