Marian, hahayaan si Dingdong na mag-decide kung papayagan si Zia na maging endorser din ng Beautederm

Ni:  Ricky Calderon

SABI ni Marian Rivera, wala na siyang care sa mga label-label tulad nung binansagan siyang GMA 7’s Primetime Queen, title lang naman daw ito and any body can bestow a title to anyone.

Mas gusto raw niya na maging happy na lang sa mga trabahong dumarating sa kanya at sa mga companies na patuloy na naniniwala sa kanya bilang effective endorser.

Kalulunsad lang kay Marian bilang endorser ng Reverie line of products ng Beautederm Home last week. Very thankful siya sa may-ari ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan dahil sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan to represent the product line of soy candles and scented sprays.

Wika pa ng aktres na very happy siya sa collaboration with Beautederm dahil swak ang mga ideas nila ni Ms. Rhea. Lahat ng ideas at suggestions niya para sa product at packaging ay sinang-ayun ng may-ari ng Beautederm.

Siyempre bago niya tinanggap ang endorsement ay sinubukan muna niya ito at bilib siya sa bango ng mga candles at scented room sprays.

Nakaka-relax daw ito kaya bagay na bagay sa kanyang pagbubuntis.

Kung sakali raw alukin ng Beautederm ng endorsement ang anak nila na si Zia, bahala na raw ang asawang si Dingdong Dantes ang mag-decide roon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s