Dingdong at Marian, proud na proud kay Zia; wagi na naman ng ‘Best in Costume’

Ni:  Rohn Romulo

zia dantes2

WAGI na naman si Zia Dantes sa sinuot niyang costume sa Halloween Party sa kanilang school.

Sa IG post ni Marian Rivera, “Here’s Ate Zia’s intergalactic space-themed Halloween costume for school.

“The challenge is to make a halloween costume using Recycled Materials.

“Z’s costume used the following materials: umbrella, clothes wire, hose, newspaper, cardboard and tetrapaks. Presenting…. My Miss Intergalactic Space 👑.”

zia dantes1

Marami naman ang nagandahan at na-cute-tan sa photos ni Zia, na lumalaki talaga na maganda tulad ni Marian.

Nag-post din si Dingdong Dantes sa kanyang IG account na proud na proud sa kanilang unica hija, “Kahit puyat galing sa trabaho, talaga namang tanggal ang pagod at antok ko nang gisingin ako nitong Intergalactic, Space Model na ito. 😊 “Bukod sa kakyutan, na-impress ako sa recyclable materials na ginamit sa kaniyang Halloween costume— damit na gawa sa tela ng payong, alambre, hose, newspaper, cardboard and tetrapaks. At ang buhok…well, wig na yan!😂 Gujab, Mama @marianrivera! Looking forward to our “actual” costumes next week! 🎃👻.”

zia dantes

Months ago nanalo rin si Zia sa anniversary ng school na kung nag-costume naman siya bilang Little Marilyn Monroe.

At katulad nga sinabi ni Dingdong, kaabang-abang nga ang magiging costumes ng pamilya Dantes sa kanilang Halloween Party.

dantes family

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s