Nash, walang kaabog-abog na inamin na sila na ni Mika

Ni:  Rose Garcia

BUMILIB kami kay Nash Aguas dahil hindi siya kagaya ng ibang young stars ngayon na maraming pa-kiyeme, pa-eklay at pagde-deny.

Nang tanungin namin ito kung totoong sila na officially ng dating ka-batch niya sa Goin’ Bulilit pero Kapuso star na ngayon na si Mika dela Cruz ay inamin agad ni Nash.

Noong October 20 raw siya finally sinagot ni Mika at hindi raw napigilan ni Nash na maiyak sa 15 pages letter na inabot sa kanya ng ngayon ay girlfriend na niya.

“Yung iyak ko po, parang sa TV Patrol, as in yung ngawa! Ha ha ha!”

Inamin din ni Nash na bata pa lang daw sila, may gusto na siya sa kapatid ni Angelika dela Cruz pero dahil takot daw si Mika sa ate nito, tinatarayan daw siya noon pa lang.

Mika-dela-Cruz

One year raw matiyagang nanligaw si Nash kay Mika bago nga siya sagutin.  Kaya sa presscon ng bagong movie niya under T-Rex Entertainment, ang upcoming horror thriller na Class of 2018 fresh na fresh pa lang ang pagiging official nila, which is, five days pa lang.

Nilinaw rin ni Nash na walang overlapping sa naging relasyon niya sa dating ka-loveteam at girlfriend na si Alexa Ilacad.  Break na raw sila ni Alexa nang magkita sila ni Mika at sinimulan niya itong ligawan.

“Thankful din po ako kay Alex na kahit na hindi kami nag-work, natuto ako. Nag-mature ako.”

Anyway, sa Class of 2018, nag-action daw siya at feeling daw niya kapag nag-a-action, parang ang lakas makalalaki.

“Sobrang haba ng mga fight scenes. At kapag nagkamali, balik ka agad from the start.  Pero hindi ko naman sinasabing gusto kong maging action star, gusto ko lang ma-try.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s