Ken, masaya sa pagiging Kapuso at ‘di nakikita na lilipat ng ibang network

Ni:  Rose Garcia

BILANG isang actor at kung pamimiliin si Ken Chan between a matinee idol at out-of-the-box actor, ang huli raw ang mas gusto niyang gawin at makilala.

Feeling ni Ken, nagawa na rin daw niya yung pagiging matinee o hearthrob nang gawin niya ang Meant to Be, pero yung pagiging actor na nabibigyan siya ng chance na mag-portray ng iba’t-ibang challenging roles, yun daw talaga ang gusto niya.

Alam niyang masuwerte siya dahil ang ibang artista nga naman kaya gumagawa ng mga indie films ay para makapag-portray ng iba’t-ibang roles na hindi madaling makuha sa telebisyon o mainstream, pero siya nga naman heto at tulad sa My Special Tatay, he’s portraying an out-of-the-box role na challenging talaga.

Masayang-masaya nga si Ken dahil mataas ang rating ng serye. Kahit daw ang tatay ni Ken na nag-a-undergo ng chemotheraphy ay parang inspirasyon nito ang MST.

KEN CHAN 3

Kuwento ni Ken, “Sobrang nakatutok talaga siya. Masaya siyang talaga para sa akin at parang nagiging lakas niya yung show.

“Pati sa ratings, naka-monitor rin siya kaya sobrang happy niya na mataas naman po ang show.”

Siyempre, masaya rin si Ken dahil kung sa Destiny Rose noon ay napuri na siya sa pag-arte, mas pa ngayon bilang mentally challenged na si Boyet. Nakararating din dito ang mga komento na mas magaling pa siya ngayon.

Sabi namin kay Ken, sa ngayon, masasabing isa siya sa nabibigyan ng maraming opportunity ng network. Walong taon na siyang Kapuso, pero what if one day, may mga ibang mas mabigyan din ng priority, maiisip niya kayang lumipat ng network.

Sey niya, “Alam niyo, may nagtanong na rin sa akin niyan. Pero ang sagot ko, hindi. Kasi, una sobrang masaya ako na isa akong Kapuso.

“Pangalawa, parang ikalawang tahanan ko na ‘to. So ‘di ko nakikita na lilipat ako ng ibang network.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s