Dingdong, nakapili na ng names sa second baby nila ni Marian; next month ang gender reveal

Ni: Nora V. Calderon

MATAGAL na palang favorite actress ni Beautederm President and CEO Rhea Anicoche-Tan si Marian Rivera na gusto niyang maging first celebrity endorser ng kanyang mga products kaya lamang hindi pwede sa iba niyang beauty and wellness products dahil preggy ngayon ang magandang actress.

True enough nang una niyang lapitan si Marian, ang tanong nito agad, kung anong produkto ang ii-endorse niya.

rei marian

Pero napaghandaan na ito ni Rhea dahil ang ibinigay niya ay ang Reverie by Beautederm Home, a line of home scents mula sa soy candles to room and linen sprays.  Collaboration na ito nina Marian at Rhea dahil hinayaan na niya si Marian na pumili ng mga scents at packaging ng bawat products na gagawin niya.

“Ang Reverie by Beautederm Home ay personal choice ko talaga at para sa aking pamilya,” sabi ni Marian. “Talagang ginagamit namin ito sa bahay dahil gusto ko mabango lagi ang bahay ko, kaya pumili ako ng mga fresh at nakaka-relax na amoy ng bahay at gusto ko itong i-share sa lahat.  Ginamitan namin ito ng pure soybean oil, all natural ingredients na guaranteed safe for the whole family.”

Kaya naman si Marian, no problem kahit ilang buwan na lamang ay magsisilang na siya ng second baby nila ng asawang si Dingdong Dantes.  Hindi pa nila alam ni Dong kung boy or girl ang isisilang niya.

“Pero si Dong may mga napili na siyang names kung babae o lalake ang isisilang ko.  Next month malalaman na namin kung boy or girl siya. 

“Pero happy ako nang hindi ituloy ni Dong ang pagkandidato niya para sa 2019 local elections.  Sabi ni Dong, ‘mas mahalaga ka sa akin, ang coming baby, ang pamilya natin.’  At maraming-maraming salamat sa lahat ng blessings na patuloy na dumarating sa amin.”

Samantala, ipinalabas na last Tuesday, October 23 ng GMA Network, ang teaser ng full action-drama series na Cain at Abel.

dong dennis

Ang ganda ng teaser, na halata mong pinaghandaan ng production team sa pangunguna ni Director Mark Reyes.

Ayon pa sa teaser, “Mangyayari na ang pinakahihintay na banggan ng dalawang hari.”

Ang tinutukoy na dalawang hari ay ang dalawang hari ng GMA Network, si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Drama King Dennis Trillo. 

Pagkatapos nga ng story conference nila, nagsimula na rin silang mag-taping at ang mga una ngang kinunan ay mga eksena sa Subic Bay na gumamit na mga sasakyang pangdagat sina Dingdong at Dennis.

Sa ngayon ay wala pang sinasabi kung sino ang gaganap na Cain at kung sino si Abel.  Sino ang mabait at sino ang masama? Pero ang sigurado, todo-action at drama ang serye.

Bukod kina Dingdong at Dennis, kasama rin sa cast sina Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Chanda Romero, Carlo Gonzales, Boy 2 Quizon, Ronnie Henares at for sure madaragdagan pa ito.

Hindi pa rin sinasabi kung kailan ang pilot telecast ng Cain at Abel pero mapapanood na rin ang teaser sa kanilang Facebook account.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s