Marian, walang planong kunin na ninang si Vice dahil ‘di pa naman sila ganung ka-close

Ni: Rose Garcia

FINALLY, ni-launch na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang endorser ng Beautederm na pagmamay-ari ni Ms. Rhei Tan.

Kahit na pampaganda ang mga proudukto nito, wala itong naging conflict sa isang beauty endorsement din ni Marian na ang dahilan, ang bagong line ng Beautederm na Beautederm Home ang ine-endorso niya which is made from pure soybean oil, all natural ingredients at guaranteed safe for the whole family kaya kahit preggy ito ngayon, safe na safe pa rin niyang gamitin.

Tulad ng air fabric freshener at scented candles na talaga rin naman ngang nag-swak sa personalidad ni Marian bilang homemaker. Eh, kilala pa naman namin si Marian kung gaano rin ito ka-hands-on sa bahay na ngayon daw, paglalaba na lang talaga ang hindi niya ginagawa.

Si Marian ang maituturing na pinaka-A-lister sa mga endorsers ng Beautederm kaya naman tuwang-tuwa si Ms. Rhei na kasama na nila ito at talagang naniniwala si Marian sa products nila.

Masasabi na nga sigurong si Marian ang isa sa pinaka-in-demand na celebrity endorser sa ngayon na halos iba’t-ibang produkto e, meron siya.

marian r1

Feeling ni Marian, tulad nung nagbubuntis siya sa panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia, blessed din daw sila ngayon sa ikalawang pagbubuntis na bonus na nga lang ang mga pumapasok na endorserments nila.

At kahit buntis, tuloy-tuloy pa rin naman daw siya sa dalawang programa niya sa GMA-7, ang Sunday PinaSaya kunsaan, sa Linggo ay may pa-Halloween special sila at pa-bazaar bawat isang host. Then, tuloy-tuloy rin ang Tadhana. Given na siyempre na teleserye lang ang hindi pa niya magagawa sa ngayon.

Pero, nag-guest din si Marian sa pang-MMFF movie ni Vice Ganda kunsaan, kasama si Dingdong Dantes, ang Fantastica the Princess, the Prince and the Perya. Though ayaw masyadong magkuwento ni Marian tungkol sa participation niya rito dahil baka bawal pa raw.

Pero si Vice, na-starstruck at natulala raw sa ganda niya?

“Ah, mabait naman kasi si Vice at nakakatuwa sa kanya, nakaka-appreciate siya ng tao. Hindi man ako, nakikita ko ang kalooban niya sa ibang tao na ganun din siya.”

Tingin naman ni Marian, hindi pa proper na kuhanin nilang ninang si Vice sa second baby niya dahil ngayon pa lang naman daw niya ito nakasama.

“Hindi ba kapag ninang ng anak mo, dapat superdooper close mo? Kasi magiging pangalawang magulang sila. Siguro darating sa tamang panahon kung makaka-trabaho.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s