Marian, gustung-gusto na kumain ng maaasim na pagkain at madalas antukin

Ni: Nora V. Calderon

“GUSTO kong kainin ngayon ang kamias, mangga, basta maaasim na pagkain gusto kong kainin,” sagot ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa tanong kung ano ang napaglilihihan niya ngayon para sa second baby nila ng husband niyang si Dingdong Dantes.

“No, hindi ko napaglilihihan ang asawa ko.”

Kung matatandaan, noong nagbubuntis siya kay Zia, ang gusto niyang kainin mapuputing candies, ngayon nga ay maaasim naman ang gusto niya.  Pero dagdag pa ni Marian, ngayon daw ay madalas siyang antukin na hindi nangyari noong kay Zia.

Nakausap si Marian ni Cata Tibayan ng “Chika Minute” ng 24 Oras sa launch nila ni Maine Mendoza ng @maxipeelzero.

dantes family

Nasa second  trimester na raw ng pagbubuntis niya si Marian, at ano ang gusto ni Zia na maging kapatid niya?

“Lagi niyang sinasabi ‘I want a baby brother,’ sana iyon nga ang ibigay ni Lord.  Kasama namin lagi ni Dong si Zia kapag nagpapa-check-up ako at nakikita niya ang ultrasound ng baby, kaya updated siya.

“At sinimulan na namin ni Dong na tawagin siyang ‘Ate Zia’ para masanay na siyang laging naririnig ang ‘ate.’  Siguro sa susunod na check-up ko malalaman na namin ang gender ng baby.”

Pero hindi pa halata ang tummy ni Marian, siguro dahil slim ang body niya.  Dagdag pa ni Marian, pilates daw ang work out niya para sa kanyang pagbubuntis, na makatutulong sa madali niyang pagsisilang.

“Approved ng doctor ko ang pilates kasi kailangan daw malakas ako, since gusto kong normal delivery pa rin ng susunod naming baby ni Dong.”

Next month naman, November 23, Zia will turn three years old.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s