Arjo at Maine, nakita na naman na magkasamang magka-date sa isang bar

Ni: Rohn Romulo

MAY lumabas na naman na photos and video na nakitang magkasama si Arjo Atayde at Maine Mendoza sa isang bar, kasama ang ilang friends.

As expected inulan na naman ng mga comments, merong nagtatanggol at may mga bashers na hindi na talaga agree sa pagdi-date nina Arjo at Maine.

Comment ng isang netizen sa Fashion Pulis, “Kung lumabas man sila eh ano naman masama diba? Pareho naman silang single. Hindi ako fan ni Maine pero girl advice ko sayo, you should know when and when not to listen to your fans. Huwag ka magpadikta sa kung ano ang pwede mong gawin. Bata ka pa at successfull ka na. Masipag ka at halos walang enough rest sa pagttrabaho. Enjoy your life, explore meeting different people.”

Dahil sa post na nito, napahiya raw ang mga nang-bash sa unang naglabas ng pagdi-date ng dalawa, “pahiya nga mga tards. Minura at bash pa nila yung dalawang nagsabing nakita nila si Maine and Arjo na magkasama. They asked for proof and they got it. Baka sabihin naman nila na edited and pic and video!!! hahaha Nagpauto kasi sa mga paasa accounts.”

May nag-comment din na pipili lang daw ng makaka-date si Maine ay may hawig pa kay Alden Richards at may paasa rin silang comment na babalik din si Maine sa ka-loveteam nito.

Reaksyon naman ng netizen dito,  “Jusko, loveteam lang ang Aldub. If they get paired in a project again in the future, bakit tatanggihan? Yung real life relationship wag na kasing umasa! And to the one who said Alden deserves better? Let me remind you na malaki ang naitulong ni Maine sa career nya, pareho naman sila. Ayaw ng A-fans si Maine so ayan na, may solo projects na sila. So bakit bitter ka?”

May nagsasabi na maliwanag na pang-promo lang daw ang isyu na ito, dahil magkasama sina Arjo at Maine sa Jack Em Popoy: The PulisCredibles na bida bukod kay Maine ay bida rin sina Vic Sotto at Coco Martin.

Sagot ng netizen, “Promo for? Hindi po sila ang mag partner sa movie, FYI. And akala ko ba totoong tao ‘yang si Maine at hindi s’ya showbiz? Tanggapin na kase ang totoo. Walang AlDub. Walang MaiChard.”

“Kung promo yan dapat nauna ang balita sa showbiz sites kahit wala pang nagaganap na date. Saka si Coco ang leading man ni Maine hindi si Arjo.”

“Hindi naman nila kasi magagawan ng promo si coco and maine. Kaya ituon na lang kay arjo. Sayang din ang publicity.”

Wish na lang nang marami na mag-enjoy na lang sina Arjo at Maine sa kanilang pagdi-date at kung may maganda pa itong puntahan, ibigay na lang natin ito sa kanila, dahil karapatan naman nilang maging masaya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s