Thea, kinu-compare pa rin kay Mikoy ‘pag may nagpaparamdam sa kanya

Ni: Ruel Mendoza

SA personal na buhay ni Thea Tolentino, wala pa rin daw itong nagiging boyfriend pagkatapos nilang maghiwalay ni Mikoy Morales noong nakaraang taon.

Inamin ni Thea na may mga nagpaparamdam sa kanya, pero lagi raw niyang naikukumpara ang mga ito kay Mikoy.

“Hindi ko po mapigilan kasi na ma-compare sila kay Mikoy.  Yun nga raw ang problema ko kaya hindi ako maka-move on.

“Sa totoo lang, matagal na akong naka-move on sa break up namin ni Mikoy. Good friends po kami ngayon.

the mikoy

Pero kapag may iba na nandiyan, si Mikoy pa rin ang nasa isip ko.

“Parang nasanay na po kasi ako na si Mikoy lang ang nakarelasyon ko.  Kapag wala akong nakitang isang trait ni Mikoy sa guy na ito, nawawalan ako ng gana.

“Ewan ko po, pero gano’n talaga. Malaking part ng buhay ko ay nandoon si Mikoy kaya hindi ko basta makalimutan,” diin pa niya.

Isa raw sa magandang trait ni Mikoy ay ang pagiging thoughtful nito, lalo raw noong dumaan sa isang operasyon si Thea.

Kahit hindi na raw sila ay nandoon pa rin daw ang pagiging caring ni Mikoy at lagi siyang pinapaalalahanan na mag-ingat.

“Iyon po ‘yung nagpatanggal ako ng breast cyst noong May 2018.

“Noong malaman niya, nagpadala siya agad ng message sa akin to get well soon. Tapos nag-sent pa siya ulit ng text na magpagaling ako agad.

“Mga gano’ng small things na ginagawa ni Mikoy ang nakakatuwa. Na kahit hindi na kayo, nandoon pa rin ang concern niya,” pagtatapos pa ni Thea na isa sa bida ng GMA teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s