Rhea, natupad na rin ang dream na makuhang endorser si Marian ng Beautederm

Ni:  Rohn Romulo

SOBRANG saya ng President at CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na finally, natupad na ang dream niya na maging part ng family nila ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes.

Last year pa namin napapansin sa kanyang mga posts ang kanyang wish na makuha si Marian na maging endorser at ito nga nakuha na nila ang misis ni Dingdong Dantes para maging first ever celebrity endorser ng newest life of products na Reverie by Beautederm Home.

rhea & marian

Na talaga namang pinag-isipan ng husto ang ipapangalan na ang isa sa meaning ng ‘reverie’ ay a daydream.

Malapit din sa Rivera at Rei na nickname ng founder ng Beautederm.

Nakipag-collaborate nga si Marian sa exquisite line of home scents mula sa soy candles na gawa sa pure soybean oil at room and linen sprays na all natural ingredients na guaranteed safe sa buoong pamilya.     Pawang favorite scents niya na tinawag nilang The Woods (Bamboo Scent), Smells LIke Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent) at Rest & Relaxation (Lavender Scent), na maganda rin packaging na very Marian ang dating.

Rhea Anicoche-Tan 1.jpg

Ayon kay Marian, “this is really my personal choice for me and my family.  I am very grateful to Beautederm and to Rhea for trusting me to represent this amazing line of products.

“Talagang ginagamit ko po ito sa bahay because I want only the best for my family.  Sobrang fresh at nakaka-relax ang amoy ng bahay namin at gusto ko itong i-share sa lahat.”

Ayon naman kay Rhea, “This is the reason why we partnered with Marian – to make her simple, pratical yet very stylish lifestyle accessible to everyone.”

Marian Rivera for Reverie by Beautederm Home 1.jpg

Samantala, natanong si Marian sa pag-alis ng kanyang Ninang Regine Velaquez-Alcasid, na itinuturing ding Reyna ng GMA-7.

“Well, wala rin ako sa posisyon pa sagutin yan hindi ko alam kung ano ang rason ni Ate kung bakit siya lumipat.

“Ang importante dyan, kung saan siya mahalaga, kung saan siya masaya, doon siya.  Bilang kaibigan ko siya at ninang namin siya, inirerespeto kung ano ang desisyon niya.

“Nagkausap naman kami at siyempre naman, nalungkot din ako,” pahayag pa ni Marian na as always blooming na blooming pa rin lalo na ngayong buntis na naman siya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s