Pia, nagpaalam sa Miss Universe na maging Calendar Girl at suportado ni Marlon

Ni: Rose Garcia

MAY ilang nagulat na ang 2019 Ginebra Calendar Girl ay ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Parang ito pa lang daw ang title holder na beauty queen and as big as Miss Universe na nangahas na mag-cover girl sa isang produkto tulad ng Ginebra.

Pero ayon kay Pia, ipinaalam daw nila ito sa Miss Universe at aprubado raw ng mga ito.

“I don’t have anything to explain with them. What happened was, Ginebra was directly in contact with Miss Universe. And they really loved the brand. They like the idea and of course, I had to pitch everything like I show them the peg of the photo shoot. I show them the brand and the history of the brand and the history of the company and it came out really well.”

Suportado rin daw si Pia ng kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger lalo na sa fitness journey niya. Feeling ni Pia, mas fit pa siya ngayon kumpara noong mag-Miss Universe siya.

piawurtzbach-ginebra

Anyway, bongga ng mga calendars ni Pia sa iba’t-ibang bikini shoot niya. Pero bukod dito, si Pia lang din ang kauna-unahang Ginebra calendar girl na may panoramic version.

In-talk naman daw ngayon si Pia at ang manager niya na si Jonas Gaffud para sa soon-to-be na gagawin niyang movie sa Star Cinema.

May nagtanong if she will be pair again with Gerald Anderson, yun nga lang, hindi ito nasagot ni Pia dahil sa paghaharang ng taga-Ginebra sa mga tanong ng press at nagmamando na ito agad nang, “next question please!”

So far ang sigurado, may bagong show si Pia sa ABS-CBN na ginagawa na niya which is a reality show.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s