Marian, ibinuko si Maine na maraming manliligaw at nagulat na pinagsasabong sila

Ni: Rose Garcia

NAGSANIB-PUWERSA puwersa na ang dalawa sa maituturing na in-demand celebrity endorsers sa bansa, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

For the past years, si Marian lang ang prominenteng nakikitang endorser ng Maxi-Peel Zero, pero heto at mismong si Marian pa ang masayang nag-welcome kay Maine sa kanilang Maxi Peel Zero family.

Parehong Triple A artists sina Marian at Maine na kahit na ngayon pa lang yata officially nagkasama sa isang proyekto as endorsers nga, e, may mga nang-iintriga na sa dalawa. Yung tipong pinag-aaway at pinagsasabong sila.

maine marian

Nagugulat daw si Marian na may mga ganun lalo pa nga’t sabi niya, ang turingan nila ni Maine ay parang sa magkapatid talaga. Lingid sa kaalaman ng lahat, madalas magka-textan ang mga ito. At bilang ate, e, madalas din na nahihingan ng payo o napagsasabihan ng nararamdaman ni Maine si Marian.

Sabi pa ni Marian, masaya raw sila na part na ng Maxi Feel family si Maine dahil nangangahulugan lang ito na mas lumalaki pa ang pamilya ng Maxi Peel.

Walang nagawa si Maine at idinaan na lang sa pagngiti-ngiti nang ibuko ni Marian na marami raw manliligaw ang Phenomenal Star.

maine marian2

Sabi pa ni Marian, nag-swak daw kasing talaga ang ugali nilang dalawa.

“Doon tayo sa transparent tayo. Kung ano ang dapat, eh ‘di yun. Kung ano ang ayaw, eh ‘di ‘wag. Hindi yung try ko ha… siya hindi. Straight-forward siya, straight forward din ako.

“Kaya kung ano yung nakikita niyo kay Maine, ganun din ako. Swak kaming dalawa. Kumbaga, ‘wag na tayong magtago. Doon tayo sa totoo.”

Kung may naipapayo man daw si Marian kay Maine, ito ay lagi lang niyang sinasabihan na magpakatotoo at mag-enjoy lang.

Si Maine naman, hindi raw niya ine-expect na magiging chika-chika na sila ni Marian at isa raw talaga ito sa mga totoong tao na nakilala niya sa showbiz.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s