Mader Sitang, sobrang sikat talaga at may planong mag-stay na sa Pilipinas

Ni: Rose Garcia

SA totoo lang, nagulat talaga kami kung gaano pala kasikat talaga ang Asia’s top transgender supermodel/ lawyer mula sa Bangkok na si Mader Sitang.

Aba e, mula sa airport pagdating nito pinagkaguluhan at nag-abang ang mga fans niya! Then, nung hinarap na siya sa press sa H&H Make Over Salon sa SM North Edsa noong October 19, hindi kami halos makapasok agad sa salon dahil sa dami nang nag-aabang sa kanya sa labas.

Grabe talaga!

Kung papanoorin ang mga videos niya sa You Tube, yung headbanging dance niya ang isa sa pinaka-mabenta. At siya ang isa sa may highest online following talaga. Hindi lang nga sa Thailand ang kasikatan ni Mader Sitang na 56 anyos na kung hindi globally.

Ang dami raw nitong endorserment sa Thailand along at dito nga sa Pilipinas, nauna na ang H&H Make Over Salon kunsaan, meron na rin siyang sariling line of perfume.

Artista na rin si Mader Sitang sa Thailand dahil may kasalukuyan itong ginagawang horror movie at soon to be, si Vice Ganda ay magiging endorser na rin ng naturang salon at ayon sa tumatayong manager ni Mader Sitang sa mga projects nito outside Thailand na si Wilbert Tolentino, plano niyang ipag-produce ng pelikula sina Mader Sitang at Vice na magkasama.

Nakita naman namin ang video nang naganap na show ni Mader Sitang sa Fahrenheit Cafe noong October 20 at October 21 at ang naging special show and meet and greet niya sa mga fan sa 690 Entertainment na talagang dinagsa ng mga tao at tagahanga niya.

Pero ang siste, kung marami itong tagahanga ngayon, hindi rin nakaligtas si Mader Sitang sa pangbu-bully. Maging sa bansa raw, may ilang Pinoy rin na nangba-bash dito, pero nang makita nila kung gaano naman kabait at matulungin si Mader Sitang tulad sa tulong niya sa Marawi, heto at love na love na siya.

May 12 years na husband si Mader Sitang who is more than 10 years younger than her, pero may sakit daw ito sa puso. Si Mader Sitang din ang sumusuporta rito at kahit na eventually, plano nila ng manager na sa Pilipinas na mag-stay, hindi raw ito iiwan ni Mader Sitang at susuportahan pa rin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s