Janella, inamin na dalawang beses na siyang nasaktan ni Elmo; ni-reveal na nagpa-psychiatrist ang ex-bf

Ni: Rose Garcia

NASAGOT na ang mga isyu ng diumano’y pambubugbog o pananakit ni Elmo Magalona sa girlfriend na si Janella Salvador.

Nagpa-interview si Janella kay Ricky Lo para sa Philippine Star at dito nga inamin ni Janella na dalawang beses na siyang nakaranas ng pananakit ni Elmo tuwing malalasing ito.

Pinatawad daw niya ito nung unang beses at sinabihan na huwag uminom kung hindi kaya ang puwedeng magawa. Wala raw kasing natatandaan si Elmo sa nagawang pananakit sa kanya.

Pero sa recent na pananakit sa kanya, obviously, dito na pumalag si Janella.

janella elmo

Ang isa sa dahilan, hinihintay raw sana niyang si Elmo ang magsalita pero mukhang wala itong planong gawin. Bukod dito, dahil nga sa lumabas na picture niya sa online na kita ang mga pasa niya at si Elmo ang napagbibintangan, eh, siya pa raw ang sinisisi ng netizens.

Sey niya sa interview kay Ricky Lo, “My purpose in speaking now is not to shame him or to put him down. I just want to correct the lies being spread against me and my mom and to let the truth out.

“I thought long and hard before I decided to speak up and own up to what he did but it seems somebody is stopping him from doing it.”

Lumabas din sa interview na dalawang taon na ang relasyon nilang dalawa dahil sa naging pahayag niya na for two years, naka-focus lang daw siya kay Elmo.

Na-reveal din na nagpapa-consult na si Elmo sa psychiatrist which is something she is supporting dahil ibig lang daw sabihin, aware si Elmo sa isyu o problema nito sa sarili.

Kung obviously, nag-end na ang relasyon nina Elmo at Janella, silang dalawa naman ng ina na si Jenine Desiderio ay nagkaayos na.

Kahapon lang lumabas ang interview ni Janella, we have yet to hear naman the version of Elmo, that is, if magsasalita rin ba ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s