Thea, pinag-aralan kung paano kapain ang sariling dibdib na twice nang naoperahan

Ni: Ruel Mendoza

MARUNONG mag-self examine ang Kapuso actress na si Thea Tolentino ng kanyang dibdib para malaman niya agad kung may mga bukol ba ulit na namumuo.

Twice na kasing naoperahan si Thea dahil sa pagtanggal ng mga benign na bukol sa kanyang dibdib.

Kaya pinag-aralan daw niya kung paano kapain ang sariling dibdib at ingat din siya sa kanyang mga kinakain.

“Every month naman po nagpapa-breast exam ako at ako na mismo ang kumakapa sa sarili kong dibdib.

“Mabuti na po yung nagiging maingat tayo, lalo na at nasa family history pala namin ang nagkakaroon ng bukol.

Jason-Abalos.jpg

“Tsaka malaki na rin nabago sa dati kong lifestyle. Kapag wala akong taping, maaga po ako nagpapahinga at nagagawa ko nang mag-exercise parati.

“Importante rin po na maingat ako sa mga kinakain ko. Kung may chance na makaiwas ako sa pagkain ng mga matataba o mamantika, ginagawa ko po,” sey pa ni Thea.

Sa latest teleserye ni Thea na Asawa Ko, Karibal Ko ay gaganap siya bilang isang transwoman na ang unang pagkatao ay si Jason Abalos.

Kinailangan daw pag-aralan ni Thea ang mga kilos ni Jason para maisama niya iyon sa kanyang ginagamapanan na transwoman character.

“May mga kilos kasi si Jason dito na ang nakakapansin lang ay ang wife niya na ginagampanan ni Kris Bernal. Sa mga kilos na iyon malalalaman ni Kris na ako ang matagal nang nawala niyang asawa, pero naging babae na,” pagtapos pa ni Thea.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s