Rochelle, mas lalong naging fan sa pagiging Superstar ni Nora

Ni:  Rose Garcia

BLESSING daw para kay Rochelle Pangilinan ang primetime series niya na Onanay.

Sumakto raw talaga kung kailan siya buntis.

“Eh kasi kung sa ‘Encantadia’ ko dati ‘di ba, puro fight scene. Ngayon, ang gaan lang. Walang sabanutan masyado. Hindi ako kontrabida, hindi mabigat. Tawa lang ng tawa, sakto talaga lahat,” sey niya.

At dahil din daw sa Onanay, mas lalo pa siyang naging fan ng Superstar na si Nora Aunor nang makasama niya ito.  Tinanong nga raw niya ito nung last taping nila kung paano name-maintain ang ugali.

Iba raw kasi si Ate Guy sa mga tao.

eddys-Nora Aunor

Bumilib si Rochelle lalo nung may location daw sila sa palengke na maingay ang mga tao.  Si Ate Guy raw mismo ang nakiusap na tumahimik muna para makapag-shoot sila at napatahimik daw talaga nito.

“Iba siyang talaga,” buong paghanga pa niyang kuwento.

Nasa ikalimang buwan naman na ang pagbubuntis ni Rochelle, pero hindi pa raw nila alam ni Arthur Solinap ang gender ng baby nila. Kahit ano raw, okay sa kanila talaga, although, marami ang nagsasabi sa kanya na baka girl daw ang ipinagbubuntis niya.

“Kung ano ang ibigay, as long as healthy. Yun talaga ang pinagpi-pray namin.  And very thankful naman ako kasi, hindi ako hirap magbuntis. Nakakapag-drive pa nga ako at nakakapag-taping.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s