Sanya, ‘di ini-expect na sina Dingdong at Dennis naman ang makakatambal after Derrick

Ni: Nora V. Calderon

ANG swerte naman ni Kapuso actress Sanya Lopez, dalawang hari ng Kapuso Network ang mag-aagawan sa kanya.

At maswerte rin yata si Sanya sa mg actor na nagsi-simula sa letter ‘D’ ang names.  Katatapos din lamang ni Sanya gawin ang Wild and Free movie sa Regal Films na first time silang nagtambal ni Derrick Monasterio.

At ngayon, dalawang Kapuso actor na parehong ‘D’ ang names ang siya niyang makakatambal.  Hindi lamang basta-basta ang mga actor na makakasama niya, but sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Drama King Dennis Trillo.

sanya derrick

Sila ang mga bidang makakasama ni Sanya sa forthcoming primetime drama series na Cain at Abel.  Kung paano magaganap ang agawan na ito, ito ang tiyak na aabangan ng mga televiewers.

Overwhelmed naman si Sanya nang tanungin kung ano ang feeling niya na dalawang mahuhusay na Kapuso actor ang makakatambal niya?

“Never ko po in-expect na makakatambal ko sila,” sabi ni Sanya.       “Noon po ay natutuwa akong panoorin sila dahil ang huhusay nilang umarte, mga idols ko sila.  Ngayon, katambal ko na sila.  I’m just very grateful po sa GMA sa pagbibigay nila n malaking opportunity na ito sa akin.

dingdong-dennis

“Wala po akong maipa-promise kundi paghusayin ko ang pagganap ko para naman hindi ako mapahiya kina Dingdong at Dennis, at sa isa sa mga makakasama pa nmin dito, si Solenn Heussaff.  Nakasama ko na si Solenn sa ‘Encantadia’ at nakita ko na ang husay niya sa pagganap.”

Nagsimula nang mag-taping ang Cain at Abel under the direction of Mark Reyes.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s