Regine, ipinagtanggol ni Arnell sa mga bumabatikos sa ginawang paglipat sa Dos

Ni:  Rohn Romulo

IPINAGTANGGOL ni Arnell Ignacio ang kaibigan niyang si Regine Velasquez sa mga bumabatikos sa paglipat nito sa ABS-CBN 2.

Ayon sa deputy executive director ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration), “Iyong mga bumabatikos kay Regine na ang sasakit nang sinasabi pero walang nalalaman sa kalakaran ng entertainment, ang sasarap ninyong pagsasampalin.

“Saan mo ba lalagay si Regine sa programa ng 7, sige nga? Saan mo siya pakakantahin na programa ng 7?”

arnell-ignacio

“Ano naman ‘yung comment ng, ‘Paiyak-iyak pa, I see the peso sign’? Sarap mo dagukan. Ano ba sa tingin niyo si Regine? Welfare officer? Trabaho niya kumanta at may bayad ‘yun.

“Kung malaki ibabayad sa kanya ano nakakapagtaka roon. Eh si Regine Velasquez ‘yan,” dagdag pa ni Arnelli.

“Regine is a friend of mine way back na Chona Velasquez pa yan at sinisingit singit lang namin sa sing along sa BB kapag wala na kaming joke.

“This woman went through all the test of an entertainer and she passed all these with exemplary grades with even more to give. Sa inyo na walang alam, be thankful that we have Regine Velasquez.”

“Listen to her singing enjoy it and shut up.”

May pahabol pa si ArnelL, “Sensya na bro Ogie Alcasid hindi ko na napigilan.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s