Kris, gustong makatrabaho si Jessica at Willie pero pinuproblema ang limitasyon; Ai Ai, happy na sa pagiging Kapuso

Ni:  Rohn Romulo

SINAGOT ni Kris Aquino ang post ng isang netizen na umaasang maging bahagi na siya ng Kapuso network.

Tinag pa nito si Annette Gozon Valdes na may post na, “Kris Aquino on GMA-7 please, make it happen.”

Ikinatuwa naman ito ni Kris nang mabasa, pero in-explain niya kung bakit hindi siya puwedeng pumirma sa sa naturang TV station.

Sagot ni Kris kay @lenimagsipol, “this is very heartwarming to read, I’d love to, I’ve always been vocal that I’d love to work with @km_jessica_soho and/or kuya josh’s favorite Willie Revillame BUT I have limitations regarding my work hours, locations, and the number of work days I am allowed per week… nakakahiya sa @gmanetwork & the family of @annettegozonvaldes if don’t get their money’s worth.  Thank you for the uplifting wish.”

ai ai dla

Ayon sa netizens parang nagpaparinig na raw si Kris na puwede naman siyang operan ng GMA, at sila na lang ang mag-adjust sa limitations ng Queen of All Media.

Isang malaking news nga kung lilipat ito sa Kapuso network, dahil marami naman ito puwedeng gawing show at ma-grant ang wish na namakatrabaho si Jessica o si Willie.

Since lumipat na ang isa nilang sa si Regine Velasquez-Alcasid, tamang-tama kung makukuha nila si Kris.

Usapin pa rin ng paglipat, sinagot naman ni Ai Ai delas Alas ang comment ng isang netizen na bumalik na siya sa ABS-CBN dahil siya na lang ang naiwan sa GMA.

Sagot ni Ms. A, “he he ok na po ako sa ako GMA he he.”

Nag-agree naman ng isang netizen, at sinabi niya na hindi puwede iwanan ni Ai Ai ang kakambal niyang si Marian Rivera, na sinangayunan naman niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s