Ivana, peg si Ellen sa pagpapa-sexy; type na type niya sina Coco, RK at Gerald

Ni: Rose Garcia

SOBRANG sexy, daring at palaban ang September/October cover girl issue ng Playboy Magazine na si Ivana Alawi, which is, newest PPL artist na co-manage rin ng Star Magic.

Si Ivana ay unang nakilala nang sumali ito sa StarStruck. Pero ayon dito, mga isang taon lang daw siya after ng StarStruck as Kapuso, sey niya, wala raw siyang naging projects din kaya nag-aral siya. Naka-double course ito.

Fashion Design at Culinary ang tinapos ni Ivana hanggang sa nagbalik showbiz nga siya. But this time, hindi na as Kapuso but as a Kapamilya. Napanood din siya sa seryeng Araw Gabi at ngayon ay may bago, a new teleserye at ABS-CBN with Bela Padilla, JC Santos among others.

ivaa alawi

Ibang-iba ang image ni Ivana ngayon kumpara nung sumali siya sa StarStruck, not to mention, nakokonek pa rin siya sa child star na kapatid, si Mona Louise Rey. Pero change image man siya, suportado raw siya ng pamilya niya.

“My Mom is super supportive and also my sister. Ito ang gusto ko, e. Gusto kong magpa-seksi at sobrang supportive naman ang lahat.”

Ang limitasyon lang daw niya sa pagpapaseksi, hindi siya magpapakita ng hubo’t-hubad na talaga pero wala raw isyu sa kanyang magpakita ng skin niya, magpaka-sexy at daring.

Sa launching niya bilang Playboy cover girl, siguradong maninibago sa kanya ang mga nakasubaybay sa kanya dati noon sa StarStruck. Pero ayon kay Ivana, wala raw binago at all sa katawan niya, even her boobs.

Ivana 04

“Work-out lang” sey niya.

“Dati kasi ang dami kong baby fats. Pero as you mature, nagbu-bloom ka. Nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko. Dati, wala, e. Pero ngayon, I love my skin. I love myself So yun… yun lang ang nagbago.”

Ang peg ni Ivana at hindi niya itinatanggi sa pagpapa-sexy ay si Ellen Adarna. Hanga raw siyang talaga sa pagiging very real lang nito.

Sexy pero with class ang lahat ng pictorial ni Ivana sa Playboy Philippines na in all fairness sa naturang magazine, nanatiling matatag habang ang ibang mga print magazines ay nag-digital na lang.

At dahil sila na nga lang halos amng men’s magazine na print, mas dumoble raw ang sales at demand sa kanila ngayon. So no doubt, with Ivana as the newest cover, malamang-lamang, mas magiging hot at mabenta rin ito lalo na ngayon sa mga kalalakihan.

Eh, palaban pa naman siya na ang pinaka-pinagpapantasyahan o crush daw niya ay sina Coco Martin, RK Bagatsing at Gerald Anderson.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s