Gabbi, pinag-iisipan pa rin kung itutuloy ang pangarap na maging beauty queen

Ni: Rose Garcia

SABI nga namin, nakikita namin kay Gabbi Garcia ang saya niya sa ginagawang primetime series sa GMA-7, ang Pamilya Roces.

Kahit na wala itong established na ka-loveteam tulad dati na may kasama siya which is si Ruru Madrid, ngayon, nakikita namin sa kanya na masaya lang siya at inspirado sa mga kasama sa serye.

For one nga, yung gumanap na nanay niya ang 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz ay big deal para kay Gabbi. Eh, ever since open naman si Gabbi na pangarap niyang maging beauty queen.

Being the “Millennial it girl” at “Global Endorser” title niya, her height, color, beauty, ang lakas ng laban ni Gabbi sa Binibining Pilipinas pa lang. Nandoon pa rin daw ang pangarap niya na maging beauty queen kahit nakagawa na ng pangalan sa showbiz, pero aminado itong ngayon, sobra nilang wine-weigh kung worth it pa nga ba na sumali siya sa beauty pageant.

GLORIA DIAZ 2

Very risky nga naman sa tulad niyang artista na. Magla-lie low siya sa showbiz dahil kailangan niyang mag-training at iba pang preparation. Kung hindi siya palarin, nandoon na nga naman ang risk at kung manalo naman, still ang ending din nga naman ng mga nananalo, makapasok sa showbiz.

Kaya sabi nito sa amin, sobrang pinag-iisipan at wine-weigh niya pa katulong ang mga magulang kung papasukin niya nga ito.

But since lagi niyang kasama ngayon sa in fairness, nakakaaliw na light drama/comedy na Pamilya Roces si Ms. Gloria, surely makakahingi siya ng tamang advice mula rito.

Kaya sa recent IG post ni Gabbi, halatang kinikilig pa ito na katrabaho na nga raw niya ang iniidolo in-terms of beauty and brains.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s