Direk Gina, proud na naidirek sina Nora at Cherie at masaya sa ratings ng ‘Onanay’

Ni: Rose Garcia

WALA raw problema kahit na mag-sister-in-law sina Direk Gina Alajar na siyang nagdidirek ngayon sa premyadong character actress na si Cherie Gil sa primetime series nilang Onanay sa trabaho nila o sa relasyon nila ngayon bilang director-artista.

Although, legally, masasabi rin ba na naputol na rin ang pagiging mag-hipag nila dahil matagal ng annulled ang kasal nina Direk Gina at Michael de Mesa?

Anyway, yun nga, sey ni Direk Gina, “It doesn’t get in the way.”

“We don’t talk about our personal things. I mean, there are personal things pero it doesn’t ano to the past.”

Si Cherie, as we all know ay kapatid ni Michael na dating asawa ni Gina.

onanay-2

Ayon pa sa aktres/direktor, ate raw ang tawag sa kanya ni Cherie at sumusunod naman daw ito sa kanya kapag may mga request siya sa aktres.

“Joy to direct” ang deskripsyon ni direk Gina sa dalawang haligi ng industriyang sina Cherie at Superstar Nora Aunor sa Onanay.

“Laging may magic, nakikita naman natin sa TV ‘yun at gustong-gusto ng mga tao pag sila ay nagbabangayan,” aniya.

Ngayon lang daw niya naidirek sina Cherie at ate Guy pero parehong nakatrabaho na niya ang mga ito before.

onanay-1.jpg

Masaya naman si direk Gina sa ratings ng Onanay na minsan daw ay natatalo at minsan ay nananalo sa kalabang programa.

“Happy naman ako sa show at excited pa ako sa pwedeng mangyari sa show,” sabi ng direktora.

Bukod dito, very proud din si Direk Gina sa mga artista niya. Mula sa Superstar na si Nora Aunor, Cherie Gil, Jo Berry mga bagets na sina Kate Valdez, Mikee Quintos at iba pa.

Sabi nga niya, “Napaka-smooth lang. Walang nagiging problema.

“And si Jo Berry, mahusay siya. And sabi ko nga, pag-aralan din niya na noon si Lino Brocka, gusto niya yung iiyak ka sa kung ano yung hihingin, kanan o kaliwang side lang at saa certain dialogue na ‘to, dapat doon tutulo ang luha.

“Hindi siya makapaniwala na may ganun. Pero ngayon, pinag-aaralan na niya kung paano magagawa.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s